in

Deportation. Mga hukom: “Huwag hulihin ang mga clandestines”

Aplikasyon sa buong Italya ng mga hukom ng alituntunin ng Europa. Ang pamahalaan ay naghahanda ng bagong dekreto.

Roma – Maraming mga hukom sa Italya ang nagpapalaya ng lahat ng mga iligal na dayuhang nahuli ng mga pulis o kinukumbinsi ang mga pulis na hindi arestuhin ang mga ito. Hindi diumano sinusunod ang batas ng Italya, na agad na pinoposasan ang sinumang nahuli ng walang permit to stay.

Ayon sa mga hukom ay dapat i-aplika ang direktiba ng European Union, na nag-iimbita sa mga iligal na dyuhan, sa unang pagkakataon, na umalis ng bansa sa sariling pamamaraan, habang ang pag-aaresto at sapilitang pagpapatalsik ng bansa ay nakalaan lamang para sa mga mahuhuling muli.

Ang Italya ay dapat na sumunod sa nasabing direktiba bago mag ika-24 ng Disyembre, ngunit ang pamahalaan ay pinaabot ang deadline ng walang pag-aatubiling i-aplika ang direktiba. Ayon sa maraming hukom, sapat ng agad ipatupad ang direktiba.

“Ang direktiba ay nagpapahintulot na mag-umpisang muli sa mga operasyon ng bagong batas sa buong bansa na noon ay nagbibigay ng mabigat na parusa sa sinumang hindi susunod sa utos ng pagpapa deport  ng mga Questor. Ang pamantayang ito ng Italya ay hindi na ayon at salungat sa pamantayan bilang miyembro ng European Union, ngayon ito ay hindi na maaaring maipatupad, “paliwanag ng Head ng mg hukom sa Brescia Nicola Paci.

Ngayon ang pamahalaan ay sumusubok na magpikit mata.”Kailangan humanap ng lunas sa mga negatibong aspeto ng Directive, dahil ang ilan sa mga hukom ay nagbibigay ng ibang kahulugan tulad ng “pagpapakawala sa lahat “,at tila hindi na maaaring pang manghuli at magbigay ng ‘order of expulsion’ sa mga iligal na dayuhan. Ito ay nagpapahina ng batas Bossi-Fini at gagawin namin ang isang ordinansa sa lalong madaling panahon upang pangalagaan ang mga prinsipyo ng batas ” mga pananalita ni Interior Minister Roberto Maroni.

Ang dekreto ay dapat na baguhing muli ang  batas sa deportasyon sa Italya. Dapat hintaying matapos ang depinitibong teksto upang maunawaan kung paano ang pamahalaan ay susunod sa alituntunin ng Europa, ngunit tila ang tiyak na layunin ay upang mahanap ang isang paraan upang magpatuloy sa pag-aresto sa mga iligal na dayuhan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

25th Anniversary of the EDSA Revolution on Feb. 25, 2011

MILAN,.MAY BAGONG CONSUL GENERAL,.. UGNAYANG KONSULADO AT OFWs,.. PATITIBAYIN!