in

Direct Hire: Isang ahensya na mamamahala sa pagpasok ng mga imigrante tuwing ikatlong taon

Isang bill ang iniharap sa Palazzo Madama ng 68 parliamentarians mula sa  PD, PDL at UDC. Massimo Livi Bacc: “Kailangan ang isang long-term programme”

altRoma, Mayo 7, 2012 –Isang ahensiya na binubuo ng limang mga eksperto na itinalaga ng Presidente ng Konseho para sa gawain ng pag-aayos entry quota ng mga imigrante tuwing ikatlong taon sa ating bansa.

Ito ang naglalaman ng bill na iniharap sa parlyamento mula sa 68 parliamentarians sa Palazzo Madama mula sa PD, PDL at UDC, kung saan ang unang signatory ay ang Democratic Party senator na si Massimo Livi Bacci. Ang isang long-term programming, ayon sa signatory, upang pangasiwaan ng mas maaayos  ang pagpasok ng mga dahuyan, at upang mabawasan ang mainit na isyu sa imigrasyon sa mga nakaraang taon, sa halip ay ay magdadala sa mga pangunahing interes ng bansa.


Magiging gawain ng Ahensya ay ang long-term priority processing, updated taun-taon, na isusumite sa Gobyerno at Parlamento para sa mga deliberations. Ang dokumento ay magtataglay ng maximum entry quotas, mga profile ng mga imigrante, ang mga prayoridad  sa pagpasok, sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan na sumasaklaw sa immigration.  Ang Ahensya rin ang magtutukoy sa mga prinsipyo at mga pamantayan sa trabaho, batay sa mga pagsusuri sa iba’t ibang Rehiyon, sa pinansyal, sa sosyal at sa halaga ng mga magiging indicators nito.

Ang mga bumubuo sa Agency, ayon sa mungkahi ng Democratic Party, ay magkakaroon ng apat na taong tungkulin at hindi maaaring maulit sa tungkulin ng higit sa isang beses.Sa panahon ng panunungkulan ay hindi maaaring maging consultant, maging administrator o empleyado ng anumang tanggapang publiko o pribado, o ang mahalal sa anumang eleksyon sa pamahalaan o sa iba pang mga pampublikong tanggapan, maging ang humawak  ng anumang asosasyon o partido. Ang pagiging public servant ay pansamantalang magiging malayo sa panahon ng panunungkulan bilang miyembro ng ahensyang tinutukoy sa bill.

“Ang karamihan sa mga dayuhan, kahit na walang citizenship – bigay diin ni Livi Bacci – ay nananatili sa bansa sa mahabang panahon, kasama ang pamilya, ang mga anak ay lumalaki sa Italya, may mga karapatan at bahagi ng usaping pang-ekonomiya at ng trabaho. Sila ay bahagi ng Italian society kahit pa walang Italian citizenship”.

Samakatuwid, pagsasawalat ng exponent ng PD, ang mga desisyon sa imigrasyon, ay dapat na batay “sa isang malawak na pang-unawa, pang-matagalan, at galing sa isang eksklusibong pagsasaalang-alang ng mga pangangailangan at mga nakalaang pagkakataon para sa kanila, lakip ang pagkakatugma ng pangangailangan ng merkado sa mga manggagawa, kaalaman sa ekonomiya at ang kapasidad na maging bahagi ng sosyedad”. Ang pondong kinakailangan ng Agency na tinukoy sa panukala ay 10 milyong euro sa isang taon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ikea catalogo, ang nangungunang magazine sa mundo

7,4 billion euros, remittances ng mga imigrante sa sariling bansa