Ito ang kinakailangang quota para matanggap ang lahat ng mga aplikasyon na nanatiling walang kasagutan. Ang Ministry of Labour: “Bigyan ng prioridad ang mga seasonal worker”
Roma – Katapusan ng Hulyo ng ipinamahagi sa iba’t ibang mga lalawigan ang halos 1,300 mga bagong ‘entries’ para sa conversion ng mga permit to stay.
Magsisilbi itong sagot sa mga ‘request’ na kaugnay ng Direct Hire 2010, na maaaring isumite hanggang katapusan ng Hunyo. Ito ay ang mga naaprubahan nà sa ilalim ng nasabing dekreto, ngunit hanggang sa ngayon ay isinantabi lamang ng Ministry of Labour habang hinihintay ang bilang ng mga aplikasyon na isinumite sa bawat lalawigan.
Ang pamamahagi ay posibleng maghahatid ng 597conversion mula sa permit to stay para sa pag-aaral at pagsasanay sa permit to stay para sa trabaho, 571 conversion ng permit to stay mula sa seasonal sa subordinate jobs, 99 coversion mula mga Carta di soggiorno na inisyu sa ibang bansa ng EU sa subordinate jobs, 5 pang conversion para sa self employment.
Ang Ministry ay nagtalaga sa bawat lalawigan ng mga kinakailangang bilang upang matugunan ang ang mga aplikasyon ng conversion na hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling walang kasagutan.
Bibigyang importansya ang mga magko-convert ng isang permit to stay para sa seasonal job lalong higit sa malapit na ang expiry date nito.”Sila ay mga trabahador sa ating bansa na maaaring manganib na maging hindi na regular sa dokumentasyon at maging sa trabaho mismo”, paliwanag ni Natale Forlani, director ng Immigration ng Ministry of Labour.