in

Direct Hire: Maroni: Alisin ang quota, makakapasok ng bansa ang sinumang may kontrata!

Interior Minister: “Hindi pa kami umaabot sa paksang iyon, ngunit kami ay magtatagumpay din sa pagsasaayos ng mga ito.” “Mga Kumpanya at asosasyon o grupo ang mga pipili sa ibang bansa ”

altRome- 6 Hun 2011 –Alisin ang limitasyon sa bilang ng mga dayuhang papasok ng Italya. Mapalitan ang sistema ng quota ng direct hiring bagkus ay makapasok ang sinumang may kontrata.

Ito ang naging pahayag ng Interior Minister Roberto Maroni, na nagsalita noong nakaraang Biyernes sa Economic Festival sa Trento. “Hindi pa kami dumarating sa paksang ito ngunit ito ay aming isasa-ayos”.

Ayon kay Maroni, na binigyang diin ang pagkakaroon ng kontrata sa trabaho bagu pa man pumasok ng bansa ang mga dayuhan, “Ito ay isang tamang proseso at pundamental sa regular at ligal na pagpasok sa bansa”.

“Kahit pa ang mga plano para sa integrasyon, bukod dito, ay nagsasaad ng pagtatanggal ng limitasyon sa bilang lalong higit sa pagbibigay ng mga pagsasanay at pagsusuri sa mga bansang panggagalingan ng mga dayuhan, isang paraan na nangangailangan ng higit na atensyon at pag-aaral”. Ang Ministro ay nag-iimbita sa mga kumpanya at mga asosasyon ng industriya upang gamitin ang magandang pagkakataon na ibinibigay at nasasaad sa Batas ng imigrasyon.

“Sa Europa – dagdag pa ni Maroni – ay kulang ng isang ‘modello unico’ para sa regulasyon at sapat na kaparusahan upang labanan ang iligal na imigrasyon.  Ang ‘modello Italiano’ o ang paraan ng mga Italyano ay ang pinaka malapit sa ‘modello Europeo’o paraan na dapat ay maabot ng Europa, dahil sa kasalukuyang kahinaan nito sa mga usaping ukol sa imigrasyon sa hinaharap na malakas na kalayaan ng 27 na bansa nito.

Ang ministro ay binigyang diin na ang  “Imigrasyon ay isang komplikadong usapin na nangangailangan ng mga sapat na direksiyon at ito ay dahil na rin sa iba’t-ibang uri ng mga imigrante: regular, iligal, refugees at mga humihingi ng asylum.

Sa usapin ng asylum, ayon pa kay Maroni “Ang Europa ay tila nahihirapan at nagiging mabagal, ngunit patungo sa tamang direksyon, tungo sa pagbibigay ng asylum sa mga humihiling nito. Ang Italya ay suma- sangayon sa sistema ng asylum, na nasasaad  sa Programa ng European security sa Stockholm, kung saan napapaloob din ang mga aksyon sa mga kasapi ng EU at pagkakaisa ng mga bansang kasapi.

Ayon pa kay Maroni kamakailan, “sa krisis sa North Africa ang interes ng Italya at ng EU ay panatilihin ang mga ‘utak’ sa kani-kanilang bansa dahil ang pagtatanggal ng kanilang human resources ay hindi isang tamang paraan”. “Ang prioridad ng Italya at Europa” – dagdag pa ni Maroni – “ay mahikayat ang mga ‘utak’ ng bawat bansa na manatili sa sariling bansa upang makatulong sa mga proseso ng pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga yaman ng bansa”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga estudyante, puspusang paghahanda sa maturità!

Silvio Berlusconi, nahabla sa pang-aapi at paghahasik ng galit laban sa mga dayuhan