in

Direct hire ng mga seasonal workers, bukas na ang simula!

Direct Hire sa Official Gazette. Ang mga aplikasyon on line sa pamamagitan ng website ng Ministry of  Interior. Narito kung sinu-sino ang maaaring pumasok ng bansang Italya.

altRoma – Abril 19, 2012 – Magsisimula bukas, Biyernes, Abril 20, ang pagpapadala ng aplikasyon para sa 35,000 seasonal workers na dayuhan na maaaring pumasok sa Italya upang pagtrabaho sa agrikultura o turismo.

Ang direct hire na nagpapahintulot sa 35,000 na papasok muli ng bansang Italya ay inilathala ngayong araw na ito sa official gazette. Nangangahulugan ito na simula 8.00 ng umaga bukas, ang mga employers (sa tulong ng mga asosasyong may pahintulot  at mga job consultants o sa pamamagitan ng sariling mga computers) ay maaaring isumite ang mga aplikasyon online o sa pamamagitan ng internet.

Lahat ay gagawin sa pamamagitan ng website nullaostalavoro.interno.it, na nagbigay pahintulot upang i-fill up at ihanda ang mga aplikasyon at ipadala ang mga ito sa takdang panahon. Kailangan lamang ang mag register at sagutan ang form C “Richiesta di nulla osta al lavoro subordinato stagionale” at i-save ito. At bukas, magpunta lamang muli sa website na nabanggit gamit ang username at password, magpunta sa domanda at ipadala ito.

Ang direct hire ay nagbibigay daan sa pagpasok sa Italya ng 35,000 seasonal workers mula sa mga sumusunod na bansa: Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia, Herzegovina, Croatia, Egypt, Philippines, Gambia, Ghana, India, Kosovo, Ex Yugoslavia Republic of Macedonia, Morocco, Moldavia, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine, Tunisia. Maaari ring makapasok muli ng bansa ang mga seasonal workers na noong nakaraang taon ay narito na nang di-isasaalang alang ang bansang pinagmulan.

Kabilang sa 35,000 na ito ang mga manggagawang nasa Italya na sa nakaraang dalawang magkasunod na taon at ang mga kumpanya ay nagsumite ng isang aplikasyon para sa ilang taong pahintulot ng pagpasok sa bansa. Ito ay magpapahintulot sa mga manggagawa na makapasok sa Italya kahit sa mga darating na taon sa isang mas simpleng proseso, “sa tawag ng employer o kumpanya”, na hindi maghihintay ng anumang publikasyon ng direct hire.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pedro Calungsod, maaaring maging patron saint ng mga ofws

Mga Saksi ni Jehova, nagdaos ng kombensyon sa Roma