‘Marami ng nawalan ng trabaho, walang dahilan upang muling magpapasok ng mga panibago’
Ang pamahalaan ay patuloy na pinipigil ang pagpapalabas ng direct hiring ngunit bukod sa mga seasonal workers maaaring muling buksan ito para lamang para sa mga domestic helpers at caregivers. Ito ang mga pangungusap mula Minister of Interior, Roberto Maroni, para sa Radio24.
“Ang direct hiring ay ginawa base sa pangangailangan ng mga mangagawa at isang direct hiring ang kinailangan upang makapasok ang mga manggagawa mula ibang bansa ng may regular na kontrata” pagpapaalala ni Maroni.
“Pilit naming pinigilan, dahilan na rin ng patuloy na krisis, ang muling pagpapapasok sa ating bansa ng mga manggagawang dayuhan . Ngayon – dagdag pa ng ministro – pinag aaralan naming mabuti ang bagong direct hiring na posibleng limitado lamang para sa mga domestic helper at caregivers”.
Ayon pa kay Maroni, “Sa panahon ng krisis unang naaapektuhan ay ang mga ‘mahihina’ at kung ang unang nawawalan ng trabaho ay ang mga manggagawang dayuhan, hindi pa panahon upang muling magpapasok ng mga bagong manggagawa. Samantala, ang mga seasonal workers, bukod sa muling paglabas ng bansa matapos ang serbisyo sa kontratang pinirmahan ay may sistemang maayos at hindi nagdudulot ng mga alalahanin, salamat na rin sa pakikipagtulungan ng mga asosasyon.
Binanggit din ng ministro ang tungkol sa mga pahayag na rasista ng Brembate. “Hindi ko nais na ang ginawa ng isang tao na aking kinondana tulad din ng mayor ng Brembate di Sopra ay nagiging simbolo ng buong komunidad: Isang komunidad na nagtatrabaho ng maayos at marangal”.