Susuriin ang aplikasyon ng pamamaraan sa programasyon ng pagpasok ng mga dayuhan, ang direct hire, ang pangkalahatang pamamahala ng migrasyon at ang pagpapatupad sa proseso ng integrasyon ng mga dayuhan sa bansang Italya.
Roma, Marso 14, 2014 – Sampung buwan upang saliksikin ang tema ng hiring ng mga manggagawang dayuhan sa sektor ng industriya, agrikultura at produksyon. Sa katunayan ay matatapos sa susunod na Dec 31 ang konsultasyon ukol sa mga temang nabanggit. Lahat ng ito ay dahil sa isang deliberasyon noong Pebrero 25 ng komite sa parliyamento na may layuning subaybayan ang pagpapatupad sa Schengen agreement, subaybayan ang aktibidad ng Europol, kontrolin at pangangasiwa ang tema ng imigrasyon.
Sa programa ay ipinapaliwanag na survey ang naging desisyon matapos ang naging sunog noong Dec 31 sa isang pabrika sa Prato, at layunin nitong “muling ipatupad ang maikling aktibidad ng pagsasaliksik na sinimulan ng komite sa nakaraang lehislatura ukol sa implikasyon ng madalas na illegal recruitment ng mga dayuhan para sa seasonal job sa agrikuktura, hanggang sa naging resulta ng kaguluhan sa Rosarno noong Enero 2010”.
Samakatuwid nais ng Committee na pag-aralan at suriing mabuti ang paraan ng pagpasok ng mga dayuhan sa Italya, “karaniwang nahihikayat sa produksyon na may mataas na bilang ng manpower na mga migrante, ngunit karaniwang undocumented o di regular, partikular sa mga bansa kung saan may bilateral agreement ang Italya, upang muling maipasok sa merkado ng trabaho gayun din ang pangkalahatang pagpapatupad sa Batas ng Imigrasyon at ang katayuan ng dayuhan”.
Pangunahing layunin ng pagsusuri ang alamin ang aplikasyon ng pamamaraan sa programasyon ng pagpasok sa bansa ng mga dayuhan, pag-aralan ang pamamaraan ng malawak na tema ng migrasyon gayun din ang pagpapatupad ng mga proseso ng integrasyon upang matuklasan ang pagiging epektibo ng kasalukuyang pampublikong patakaran sa pagtanggap at maging ang modelo ng demand and supply na sinusunod hanggang sa kasalukuyan.
Sunod-sunod ang mga konsultasyon: mula sa mga Ministries hanggang sa mga Embahada o Konsulado sa Italya ng iba’t ibang mga bansa, mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon sa Europa at sa buong mundo
(European Commission, Commission on Civil liberties, Justice, Home Affairs of European Parliament, UN for refugees, Europol Council, European agency for Rights etc); prefects, local entities, police authorities, chamber of Commerce, Industry, Crafts and Agriculture, mga asosasyon, unyon, asosasyon ng mga migrante, kinatawan ng NGO.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]