Ang tanggapan ng INPS ay tinanggap ang rekomendasyon ng Constitutional Court . Inca CGIL : “Sa wakas , ito ay dapat ginawa na noon pa”.
Rome – Setyembre 6, 2013 – Mula ngayon, “ang disability pension at ang allowance sa nag-aalaga sa may kapansanan (indennità di accompagnamento), ay maaaring ipagkaloob sa lahat ng mga dayuhan kahit hindi nagtataglay ng EC long term residence permit o ang kilalang carta di soggiorno, sa kundisyong nagtataglay ng permit to stay ng halos isang taon, tulad ng nasasaad sa artikulo 41 ng Batas sa Imigrasyon (TU).
Ito ang mensahe na ipinadala kamakailan ng head office ng INPS sa lahat ng mga tanggapan nito sa bansa, kung saan nasasaad na nararapat ding nagtataglay ng lahat ng mga requirements na hinihingi ng batas (kundisyong pisikal, residente sa Italya etc..) ang mga beneficiaries. Sa ganitong paraan ay tuluyang tinanggap ang mga indikasyon ng Constitutional Court, na paulit-ulit na ipinahayag ang pagiging labag sa batas ng Artikulo 80, talata 19 , L. n . 388/2000, kung saan nasasaad ang pagbibigay ng lahat ng tulong at serbisyo sa mga nagtataglay ng carta di soggiorno lamang.
"Ang mga inihayag ng Korte ay hindi maaaring ipatupad gayunpaman sa mga sitwasyong binigyan na ng mga kaukulang resulta at nahatulan na. Samakatuwid , ang anumang kahilingan para sa muling pagsasaalang-alang ay tatanggapin sa limitasyon ng 10 taon , at sa kawalan ng anumang hatol " babala ng INPS .
"Matagumpay na natapos ang usaping ito na nagbigay daan sa napakaraming apila simula pa noong 2006, bago pa man sumailalim sa pag-aaral ng Korte ang kwestyon”, ayon kay Morena Piccinini , presidente ng ' Inca – CGIL . Ang nabanggit na tanggapnan ay binatikos ang Inps sa pagkakaantala sa pagsunod sa mga naging hatol ng Consulta, isang pagkaka-antala na hindi naman nakita sa pagbibigay ng “pensionato d’oro’, isang uri ng buwis na maging ang mga hukom ay ipinihayag bilang labag sa batas.
"Ayon pa sa Consulta o Consultative Board – dagdag ni Piccinini – ay hindi maaari ang ‘pumili’ at ang Inps ay kailangang matutong gumalang, nang walang pag-aalinlangan, sa mga lehitimong pangangailangan ng mga mamamayan, anuman ang kulay ng balat. Isang tanda ng modernong sosyedad na maaaring makatulong sa pagpigil sa diskriminasyon sa pamamagitan ng lumalagong bagong kultura ng pagkakaisa, pagbibigayan, at paggalang sa pagkakaiba-iba . "