in

Disegno Legge 718 ng Lega: Test di Cittadinanza

Ang Disegno di legge 718 o ang Test di Cittadinanza ay ang panukalang isinusulong ng Lega na nakalaan sa mga dayuhang nais maging italian citizen.

Layunin ng panukala ang alamin ang kapasidad ng dayuhang magsalita ng tama ng wikang italyano, kaalaman sa kasaysayan, kultura at kaugalian ng bansa pati na rin sa Sibika at mga batas na umiiral sa pamamagitan ng isang test o exam.

Ang panukala, pirmado partikular ng mga senador ng Lega ay layunin hadlangan ang Ius Soli: Susog sa artikulo 9 ng Batas Feb 5, 1992 n. 91.

Ang batas na nabanggit ay ang nagpapahintulot sa dayuhang regular na residente sa Italya ng hindi bababa sa sampung taon na mag-aplay ng italian citizenship by residency.

Batay sa DPR 361/1994, ang dayuhan ay magsusumite ng mga itinalagang requirements sa kinasasakupang Prefecture na magpapadala naman ng mga ito sa Ministry of Interior na magbibigay ng dekreto.

Kung nakatugon ang dayuhan sa mga hinihingi ng batas, ang italian citizenship ay ipagkakaloob.

Ayon sa panukala ng Lega, ang citizenship ay ang “konklusyon ng isang proseso na resulta ng isang perpektong integrasyon sa sosyedad at sa mga mamamayan”. Ito umano ay hindi purong administratibo lamang.

Ang disegno di legge 718 ay tumutukoy sa isang cultural integration process upang maiwasan ang anumang uri ng ‘ghetto’ o maiwasan ang pagkakaroon ng mga bagong italians na namumuhay naman umano ng malayo sa sosyedad at walang kamalayan ukol sa bansa.

Sa katunayan, ang panukala ay tumutukoy sa isang pagsusulit na layuning kilalanin ang kaalaman sa wikang italyano ng dayuhan pati na rin sa kasaysayan, kultura at tradisyon sa bansa.

 

PGA

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Undocumented, inireport sa awtoridad ng duktor sa halip na gamutin

“Battle of the Sponsors”, kung saan ang mga sponsors ang bida!