in

Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189, pinirmahan ng Italya

Ito ay naglalaman ng mga pangunahing karapatan ng mga domestic helpers, care givers at baby sitters, at karamihan sa mga ito ay tinataglay na sa batas ng Italya. Pinirmahan matapos ang ‘pressing’ buhat sa mga unyon at sa ngayon ay hinihiling na mapadali ang regularization at ma-renew ang collective contract.

Roma,  Dis 19, 2012 – Sa pamamagitan ng pirma ng Minister of Foreign Affairs, kahapon ay naratipika ang Convention 189 ng International Labour Organization (ILO) o ang “Disenteng trabaho para sa mga kasambahay”. Ang Italya ay ang unang bansa sa Europa na gumawa ng hakbang na ito, at ika-pito sa buong mundo pagkatapos ng Uruguay, Pilipinas, Mauritius, Nicaragua, Bolivia at Paraguay.

Bukod dito, ang Convention ay naglalagay sa mga kasambahay sa parehong antas ng lahat ng mga manggagawa, halimbawa, ang pagbibigay ng minimum wage, ng social security at ang pagkilala sa oras ng kanilang trabaho tulad ng pagbibigay ng day-off. Ito ay nagsasaad din ng posibilidad na sama-samang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa paglikha ng unyon, na magbibigay ng pagkakataong iparating sa hukom ang kanilang hinaing o ang gumamit ng iba pang mekanismo na magbibigay ng solusyon sa kanilang mga hinaing. Mga prinspyong tinataglay na sa batas g Italya, ngunit kasalukuyang malayo pa sa maraming mga bansa sa buong mundo.

Sa isang conference sa Rome sa pamamagitan ng mga unyon tulad ng CGIL, CISL at UIL ay hiniling ang ratipikasyon ng nasabing Convention upang iparating ang kahalagahan ng nilalaman nito. “Sa huling dekada, paliwanag ng mga promoters, sa Italya ang domestic job ay tumaas ng higit sa 43% at lumampas sa 1,5 million workers, 83% ay pawang mga kanbabaihan at higit sa 81.5% ang mga migrante, higit sa 143,000 sa taong 2011 at isang trend na patuloy ang pagtaas. Sa mga bilang na ito, 872,000 lamang ang nakatala sa Inps habang ang higit sa 40% ay nananatiling partially o totally irregulars.

Higit sa isang milyong Italyanong pamilya ay nangangailangan ng domestic worker. “Ito ay isang sektor na nagiging mahalaga – ayon pa sa mga unyon – na nagkaroon ng pangunahing papel sa pagpapalakas ng sistema ng welfare at mayroong malakas na implikasyon sa social at economic point of view, na sa kasamaang palad hanggang sa kasalukuyan ay karaniwang invisible at hindi pinahahalagahan”.

Hindi isang pagkakataon lamang na ang Italya ay ang nag-iisang bansa sa Europa na mayroong kontrata at isang bilateral system at ang unang bansa ng EU na nag-ratipika ng ILO Convention. “Karaniwan, ang Italya ay nangunguna sa mga batas ngunit nahuhuli naman sa pagpapatupad. Sa kasong ito, hindi na natin kinailangang palitan ang mga batas sa ating bansa at ito ay nangangahulugang ang prinsipyo ng convention ay tinataglay na sa ating kasalukuyang mga batas. Ang pirma ay isang hakbang patungo sa ating mga layuning dapat nating maaabot”, ayon kay Labor Minister Elsa Fornero, sa kanyang pagsasalita sa convention.

Para sa mga unyon ang pagpapatibay nito ay ang unang hakbang lamang. Si Giuseppe Casucci, national coordinator para sa patakaran sa migration ng UIL, ay humihiling ng mga “bagong hakbang upang mapadali ang regularization ng mga irregular domestic jobs, at kung maaari ay ang pagpapagaan sa buwis”, tulad ng renewal ng national contract on domestic job, na nag-expire isang taon at kahalati na ang nakakaraan. Gayundin ayon kay Piero Soldini, Immigration Officer ng CGIL, ay nangangailangan ng batas upang “gawing pormal ang mga gawaing impormal” at “ang pinaka-epektibong instrumento upang lumabas ang malaking bilang ng mga irregular job na nasa sektor at ang exemption sa buwis na naging malaki na ang bahagi sa regularization”.

ILO. CONVENZIONE 189 SUL LAVORO DIGNITOSO PER LE LAVORATRICI E I LAVORATORI DOMESTICI, 2011

ILO. RACCOMANDAZIONE SUL LAVORO DIGNITOSO PER LE LAVORATRICI E I LAVORATORI DOMESTICI, 2011

Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito? (Unang bahagi)

Ano ang mga minimum na pamantayang itinakda ng ng Kumbensyon Bilang 189 para sa mga kasambahay

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bibingka

“Imigrante, pinagmumulan ng mahalagang enerhiya ng lipunan” – Napolitano