Tinanggihan ang isang ordinansa ng Lunsod ng Chiari, kung saan ang alkalde mula sa Lega Nord ay ipinagbawal ang kasal sa mga hindi regular na dayuhan sa kabila ng desisyon ng hukuman. “Paninindigan namin ito, gusto naming ituro ang paraan“
Rome, Abril 23, 2012 – Isa sa mga pinaka pinag-usapang nilalaman ng batas ng seguridad na ipinatupad ng naunang pamahalaan ay nag-oobliga sa mga dayuhang ikakasal sa Italya nang pagpapakita ng mga permit to stay at samakatwid ay nagbabawal sa mga wala nito ang humantong sa altar.
Ito ay ipinatupad ng dating ministro Roberto Maroni upang maiwasan ang fake marriages (matrimony di comodo), na naging hadlang sa mga tapat at tunay na nagmamahalan, hanggang noong nakaraang Hulyo, nang ito ay kinansela ng Constitutional court. Ayon sa mga hukom, hindi dapat hadlangan ang karapatan na magkaroon ng sariling pamilya bilang pakikipaglaban sa iligal na imigrasyon.
Mula sa sandaling iyon, ang mga magkasintahan ay mga nag-plano ng pag-iisang dibdib sa halos buong Italya. Sa Chiari, isang bayan ng 20,000 mga naninirahan sa lalawigan ng Brescia, ang alkalde (at senador) na si Sandro Mazzatorta ng Lega noong nakaraang Septiyembre ay pumirma ng isang ordinansa na nag-oobliga sa mga dayuhang ikakasal ng pagpapakita ng permit to stay upang gawin ang publication ng nasabing kasal. Sa madaling salita, ay sinubukang ipatupad ang isang batas na tinanggal na ng hukom.
“Ang Lega Nord ay paninindigan ang mga ito at patuloy na susuway bilang paggalang sa batas at para sa kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan. Aming inaasahang maituro ang daan sa lahat ng mga administrators na nais ituwid at ituro ang katarungan” pahayag ni Mazzatorta. Sa kasamaang-palad para sa kanya, ang paraan ay itinurong muli ng mga hukom, sa pagtanggi sa kanyang mga hakbang.
Ang Korte ng Brescia ay tinanggap ang sama-samang aksyon sa pamamagitan ng dalawang asosasyon, at hiningi ang pagpapawalang-bisa o pagbabago ng ordinansa dahil ito ay isang diskriminasyon, at paglabag sa batas. Ang lungsod ng Chiari ay iniutos din na magbayad ng 4000 € sa mga legal expenses pati na rin ang bumili ng isang puwang sa pahayagan ng Republika upang ihayag ang naging desisyon ng hukom. Naging mahal, ang kabayaran ng pagkatalo ng militanteng Mazzatorta sa bulsa ng kanyang mga kapwa mamamayan.