Sinimulan muli ang diskusyon sa Constitutional Affairs Committee. Dalawampu ang mga panukala at kailangang buhat sa mga ito ay gawin ang iisang teksto o ang pumili ng isang teksto bilang batayan nito.
Roma, Hunyo 4, 2014 – Ang reporma ng pagkamamamayan ng ikalawang henerasyon ay muling nasa agenda.
Sa katunayan ay sinimulan muli noong Mayo ang diskusyon sa Constitutional Affairs Committee sa Kamara ukol sa mga panukalang naisumite. Ano ang bago? Isang bagay na tila nalimutan na sa nakaraang 10 buwan: ang huling pagkakataong natagpuan ito sa agenda ng committee ay noong nakaraang July 9, 2013, pagkatapos ay tila muling itinago sa loob ng isang kahon.
Ito, marahil ay tila isang taktika lamang, dahil mas mainam na hindi ilagay sa piligro ang maselang tema tulad nito? O, dahil tunay na naging madugo ang naging kalendaryo sa pagsasabatas ng maraming panukala, ang mga sesyon ukol sa budget at ang mga panukalang higit na nangangailangan ng atensyon tulad ng public funding sa mga partido at ang pagtatanggal sa mga lalawigan o ang electoral law.
Sa lahat ng ito, isang bagay ang siguradong napalitan. Iniwan ni Enrico Letta ang pwesto kay Matteo Renzi at isa sa dalawang relators ng reporma, si Gianclaudio Bressa , PD ay pumasok sa bagong gobyerno bilang Undersecretary of Regional Affairs, at ang kanyang pwesto ay minana ni Marilena Fabbri. Samantala, ang isa pang relator, si Anna Grazie Calabria na noong nakaraang Hulyo ay kasama sa majority ngunit ngayon ay lumipat at nasa oposisyon na.
At ang higit na nagpalubha ng sitwasyon: ang dalawampung panukala, kasama ang kampanyang l’Italia sono Anch’io. Kung saan kinakailangan, buhat sa mga ito ay gawin ang iisang teksto o ang pumili ng isang teksto bilang batayan nito.
Ang gobyerno ay walang intensyong magsulong ng sariling panukala ukol dito, tulad ng kinumpirma ni Undersecretary Domenico Manzione sa committee.
Sa lahat ng ito, isang bagay lamang ang sigurado… ang muling pagbubukas ng diskusyon para sa ikalawang henerasyon.