in

Domestic job, excluded sa increase na nilalaman ng Decreto Dignità

 

Kabilang sa mga susog ng Decreto Digntà na isinampa sa pagsususri ng Finance at Labor Commission sa House ang ukol sa renewal ng mga provisory contract o contratto a tempo determinato ng mga colf at caregivers. Ang mga pamilya ay hindi na magbabayad at excluded sa karagdagang 0.5% tulad ng unang nilalaman ng dekreto.

Walang anumang increase sa sektor partikular sa mga domestic employer“. Ito ang magandang balita ng Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico o Assindatcolf na kasapi ng Confedilizia at kabilang sa mga signatories ng CCNL na gumagabay at batayan ng domestic job, matapos aprubahan ang mga susog na nasasaad sa decreto Dignità sa renewal ng contratto a tempo determinato.

Pasasalamat sa PD at sa lahat ng mga partido na kabilang sa komite sa tagumpay na ito. Bukod sa bilang: marami man o hindi ay mahalagang maprotektahan ang mga pamilya na sa araw-araw ay nangangailangan ng tulong buhat sa mga colf, babysitters at caregivers para sa kanilang tahanan at mga mahal sa buhay”.

Gayunpaman, ay magpapatuloy umano ang asosasyon upang matanggap ang total deduction ng gastusin sa domestic job.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian language exam bilang requirement sa aplikasyon ng Italian citizenship, bagong panukala

“Magpakalakas-loob”, tema sa taunang kombensyon ng mga Saksi ni Jehova sa Agosto