in

Domestic job na napapaloob sa Decreto Flussi 2019, nilinaw ng Assindatcolf

Opisyal na nagpalabas ng isang komunikasyon ang Assindatcolf noong May 13, 2019 ukol sa Decreto Flussi 2019 o DPCM 12 marzo 2019.

Sa nasabing komunikasyon ay ipinapaalala na hindi nabibilang ang domestic job sa 30,850 non European workers na pinahihintulutang makapasok ng bansa para sa trabaho.

Gayunpaman, nilinaw sa komunikasyon ang posibilidad ng domestic job na napapaloob sa decreto flussi:

  1. Ang domestic job ay isang posibleng sektor para sa 4,750 na mga seasonal workers na nakapasok na sa Italya sa nakaraan dahil pinahihintulutan ang conversion ng permit to stay mula seasonal sa subordinate job ng decreto flussi.
  2. Kabilang din ang domestic job ng decreto flussi 2019 para sa 500 non Europeans na sumailalim sa formation courses sa sariling mga bansa  (artikulo 23 ng TU sull’Immigrazione)
  3. Pati ang quota o bilang na 100 para sa mga Italian origins na residente sa bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil ay maaaring ma-empleyo sa domestic sector.

Ang ASSINDATCOLF o ang Associazione Sindacale Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico ay ang aktibong unyon ng mga employers sa pagsusulong ng karapatan ng mga domestic workers sa bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

8 billion euros na buwis ng 2018, nagmula sa mga imigrante

Adik ka ba sa paggamit ng cellphone?