"From caring for children, to caring for elderly and persons with disabilities, to performing a wide range of household tasks, domestic workers are an indispensable part of the social fabric," ito ang mga binitawang salita ni Sandra Polaski, ang deputy director-general ng ILO.
Rome, Enero 10, 2013 – Ayon sa ulat ng International Labor Organization (ILO), ang labor agency ng United Nations (UN), ay aabot sa 52.6 milyon ang itinuturing na 'invisible workforce' na nagtatrabaho bilang domestic workers sa buong mundo.
Ang 83 % ng mga domestic worker na ito ay pawang mga kababaihan.
Sa kabila ng malaking bilang ng mga mangagawa sa sektor, ay walang sapat na proteksyong legal at karaniwang lantad sa pang-aabuso dahil sa kakulangan ng kaalaman sa lokal na lengguwahe at batas.
Batay sa unang pandaigdigang pag-aaral na ginawa ng UN, karaniwan ding hindi sapat ang bayad sa mga domestic worker sa kabila ng mahabang oras na ipinagtatrabaho ng mga ito.
Natuklasan din ng ahensya na 90% ng mga domestic worker ay hindi saklaw ng general labor protection tulad ng tinatanggap ng mga nagtatrabaho sa mainstream economy.
Ang pag-aaral ay ibinatay ng UN sa 2010 data ay pinangangambahang mas tataas pa ang bilang sa kasalukuyan dahil mayroong mga bansang hindi iniuulat lahat ng mga namamasukang domestics.
Samantala, sa bilang na nabanggit ay hindi kasama ang mga domestic worker na 15-anyos pababa ang edad dahil itinuturing pang masyadong bata, na noong 2008 ay halos 7.4 milyon ang dami.