in

Donald Trump ika-45 pangulo ng Amerika

Nagwagi ang negosyanteng si Donald Trump bilang bagong pangulo ng Estados Unidos. Duterte, nagpaabot na ng pagbati kay US president-elect.

 

Nobyembre 9, 2016 – Tinalo ng bilyonaryong si Donadl Trump ang pambato ng Democratic Party na si Hillary Clinton, para mahalal bilang ika-45 pangulo ng U.S. kapalit ni President Barack Obama na bababa sa White House sa January 2017.

Napanalunan ni Trump ang 289 na mga electoral votes matapos na manalo sa popular vote sa 26 na mga estado, habang si Clinton ay nakakuha ng 215 electoral votes.

Nagtagumpay si Trump at nakuha ang ilang estado na dati ay nasa panig ng Democrats at inilampaso si Clinton sa mga battleground states.

Sa popular vote, higit 57 million na mga boto ang nakuha ni Trump habang higit 56 million votes naman kay Clinton.

Si Trump ang kauna-unahang pangulo ng Amerika na walang anumang karanasan sa public office.

Magiging vice president naman ni Trump ang kasalukuyang Indiana governor na si Mike Pence.

Sa kaniyang victory speech, binati ng negosyante ang nakatunggaling si Clinton sa “very hard fought” na kampanya.

Nanawagan si Trump sa mga Amerikano ng pagkakaisa matapos ang matinding pagkakawatak-watak na idinulot ng halalan.

Ngayong tapos na ang halalan, aniya, ay panahon na para maging pangulo ng lahat na Americans.

Matatandaang ipinangako ng bilyunaryo na ibabalik niya ang kadakilaan ng Amerika sa pamamagitan ng mas masiglang ekonomiya at proteksyon sa mga Amerikano. Nangako ng pagbabago sa loob ng 100 araw nito sa White House. “Ang pagbabago ay magsisimula mula sa kanyang unang araw”, ayon sa Republikano.

Samantala, nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay US president-elect.

Sa kanyang pagbati, sinabi ni Duterte na umaasa siya ng isang maayos na ugnayan ang mamamagitan sa Pilipinas at Estados Unidos.

President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to Mr. Donald Trump on his recent electoral victory as President of the United States of America. The United States presidential elections is a testament to the enduring traditions of its democratic system and the American way of life. The two-party system gives American voters freedom of choice based on party platforms, not just on personalities,” pahayag ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na kasama ni Pangulong Duterte sa biyahe sa Thailand at Malaysia.

Kasabay ng hangaring magtagumpay si Trump sa kanyang pamumuno ay umaasa si Duterte na magkaroon ng magandang relasyon ang US at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ng bagong halal na Pangulo.

Enhanced Philippines-US relations anchored on mutual respect”, dagdag pa ng pangulo.

Matatandaang inilarawan ni Duterte si Trump sa interview niya sa Al-Jazeera television na isang ‘good presidential candidate’. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Premio nascita at buono nido, para rin sa mga imigrante

Bagong panuntunan sa pagpasok at paninirahan ng mga seasonal wokers, inaprubahan