Isa sa pangunahing requirement upang matanggap ang social benefit o tulong pinansyal mula sa Inps ay ang pagkakaroon ng itinakdang edad ng batas.
Mula Enero 1, 2018 ang edad sa pag-aaplay ng assegno sociale ay itataas sa 66 anyos at 7 buwan.
Ang aplikasyon ay maaaring isumite online kung nagtataglay ng PIN code ng Inps o sa pamamagitan ng Caf o patronato.
Ipinapaalalang simula noong Enero 1, 1996, ay pinalitan ang tawag na pensione sociale sa benepisyo at ginawang assegno sociale. Ang tulong pinansyal ay nakalaan sa mga mamamayang residente sa Italya ng hindi bababa sa 10 taon at walang sapat na sahod upang matustusan ang sariling pangangailangan.
Sa kasalukuyan, ang limitasyon sa kabuuang sahod upang matanggap ang assegno sociale ay hindi dapat lalampas sa € 5.824,00 sa isang taon o halagang € 11.649,82 kung may asawa.
Ang benepisyo ay matatanggap din ng mga dayuhang mamamayan sa Italya sa pagkakaroon ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno bukod pa sa pagiging residente ng 10 taong walang patid sa bansa.