in

Employers, padadalan ng abiso para bayaran ang kulang na kontribusyon

Kasalukuyang nagpapadala ang Inps ng abiso bilang pag-papaalala sa mga employers na may kulang kahit isang quarter payment para sa taong 2010. Ang sinumang matutuklasang hindi regular sa pagbabayad ng kontribusyon ay kailangang magbayad.

Roma – Hulyo 16, 2014 – “Silent operation”, ito ang tawag sa operasyon na may layuning tuklasin ang mga employers sa domestic job na hindi regular sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga colf, caregivers at babysitters at himukin ang mga itong magbayad. Sa simula ay friendly approach ang gagamiting taktika.

Matapos ang pagsusuri sa data base, ay sinimulan noong nakaraang buwan ang pagpapadala ng abiso o paalala sa mga employers na mayroong kulang kahit isang trimestral payment sa taong 2010. Isang tila mahigpit na operasyon kung saan hinihingan ng paliwanag at dahilan ang kawalan o kakulangan sa pagbabayad. Gayun din ang patunay ng naging pagbabayad kung ito ay nabayaran. Gayunpaman, kung tunay ang kakulangang ito ay kailangang magbayad sa lalong madaling panahon ang employer.

"Ang INPS – ayon sa Assindatcolf – ay kailangang gumawa ng hakbang sa pagbibigay-katwiran sa kabuuan o parsyal na hindi pagbabayad ng kontribusyon: lakip ang mga pinagbayaran at ang paghihiwatig ng dahilan ng pansamantalang suspension sa pagbabayad ng obligasyon (tulad ng leave with pay, maternity leave at iba pa) o ang pagwawakas ng kontrata (cessazione rapporto di lavoro) lakip ang ginawang komunikasyon ukol dito”.

Ang lahat ng mga nabanggit ay maaaring i-ulat sa Inps sa pamamagitan ng fax sa toll free 800 803 164, gamit ang angkop na form. Kung, sa halip, ang hinihinging halaga ay tunay na hindi nabayaran, ipinapa-alala ng assindatcolf sa mga employers na maaari itong bayaran ng buo (pagamento con un versamento unico)  gamit ang F24 sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang abiso, o ang hilingin ang hulugan ito (a rate).

Sa pagsusuring ito ng Inps ay maaari ring matuklasan ang maraming mga employers sa ginawang 2009 Regularization. Ilan kaya sa mga employers na ito ang nagpatuloy sa pagbabayad ng kontribusyon matapos mabigyan ng permit to stay ang kanilang worker?

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso unico per lavoro, maaaring gamitin para mag-trabaho sa ibang EU countries?

Gabay sa citizenship “18 anni… in COMUNE”