in

Enrollment ng anak ng mga undocumented, isusumite sa paaralan

Ang sistema online ay nangangailangan ng Fiscal code o codice fiscale ng mga magulang, samakatwid ang mga magulang na walang permit to stay ay hindi maaaring gawin ito. Ang Ministry of Education: “Gawin ang enrollment sa mga paaralan”.

Rome – Enero 24, 2013 – Noong nakaraang Lunes, ay sinimulan ang enrollment para sa school year 2013/2014. Isang bagong balita: ang online enrollment.

Ang mga magulang ay dapat mag-log on sa www.iscrizioni.istruzioni.it, i-fill up at ipadala ang enrollment form online. Maaaring gawing 24 hrs a day, kahit weekend. Ang mahalaga ay gawin ang bagong proseso hanggang Feb 28.

Mas simple nga ba ito? Theorically. Dahil ang online system ng Ministry of Education ay tila hindi kaya ang maramihang dating ng application online, at sa unang tatlong araw ay umabot na sa 130,000. At hanggang ngayong umaga, ay hirap pa rin ang naturang website.

Para sa mga anak ng mga undocumented, ay mayroong karagdagang problema. Dahil sa mga patlang na obligadong sagutan ng mga ito, ay may nakalaan para sa fiscal code o codice fiscale, na ang mga walang permit to stay ay hindi nagtataglay nito.  

Samakatwid, ay no enrollment. At ito ay isang hadlang sa batas ng imigrasyon, kung saan nasasaad (sa kabila ng mga proposals ng Lega Nord na taliwas sa direksyong ito) na ang pagpasok sa obligatory school ay isang karapatan/obligasyon ng lahat ng mga minors, may permit to stay man o wala.

Kahapon ang Rete degli Studenti Medi  (High School Students Network) ay inireklamo ang nabanggit na sitwasyon. “Hindi namin matatanggap! – ayon sa spokesperson na si Daniele Lanni – “Ang enrollment ay para rin sa mga anak ng mga undocumented, tulad ng nasasaad sa artikulo 38 ng batas sa imigrasyon, at ang Ministry ay dapat baguhin ang mga enrollment forms sa lalong madaling panahon”.

Gabi na nang nagbigay ng pahayag ang Ministry of Education. Upang baguhin ang enrollement form online? Hindi,  sa halip ay isang panawagan sa mga magulang na undocumented na gawin ang enrollment sa mga paaralan mismo.

“Tulad ng nasasaad – mababasa sa note verbal ng Ministry – ang enrollment ay para sa lahat ng mga mag-aaral para sa karapatan/obligasyon ng edukasyon, at kahit sa panahon ng enrollment ay walang permit to stay at samakatwid maging ng codice fiscale, ang magulang ng mga mag-aaral na ito ay dapat na lumapit sa tanggapan ng mga paaralan kung saan gagawin at tatanggapin ang mga enrollment form”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kabataang Pinoy, inagawan ng cellular phone

Miraglia “Codice fiscale dapat ibigay sa lahat”