Sa maraming mga lungsod ang pagpapatala ay sinimulan na. Ang mga puntos ay tumataas kung ang mga magulang ay full time sa trabaho at ang fee ay batay sa Isee.
Roma – Marso 28, 2013 – Simula na ng pagpapatala sa mga nursery school para sa taong 2013-2014 sa maraming munisipyo sa Italya.
Ito ay isang mahalagang pagkakataon sa mga magulang na imigrante. Hindi lamang dahil bawat isa sa limang sanggol na ipinapanganak sa Italya ay mayroong (kahit isang) magulang na dayuhan. Bukod dito, bihira sa mga imigrante ang mayroong kamag-anak o grandparents na mapag-iiwanan ng kanilang anak habang nasa trabaho.
Bawat munisipalidad ay mayroong sariling paraan at petsa ng pagpapatala o enrollment. Karaniwang ang mga puntos ay pare-pareho, tumataas lamang batay sa oras ng trabaho ng mga magulang o kung mayroong kapatid na may karamdaman. Batay naman sa Isee o Family Economic Situation Indicator na kinakalkula ng libre sa mga authorized fiscal center o Caaf ang halaga o fee ng bawat bata.
Sa Roma ang pagpapatala ay matatapos sa April 12, sa Milan ang huling araw naman ay April 24. Samantala sa Turin ay hanggang April 30, sa Naples naman ay hindi pa bukas ang enrollment. Upang malaman ang eksaktong panahon at mga pamamaraan ay mabuting konsultahin ang website o makipag-ugnay sa public relation office o ang ufficio relazione con il pubblico ng munisipyo.