Itinatakda na ang maximum number ng mga papasok sa Italya upang mag-attend ng vocational course (corso di formazione professionale) at ng stage o apprenticeship (tirocino) sa mga kumpanya. Ang sinumang darating sa ganitong paraan ay magkakaroon ng permit to stay para sa pag-aaral.
Roma – Setyembre 17, 2012 – Kahit ngayong taon ay 10,000 mga non-EU nationals ang maaaring pumasok sa Italya upang mag-aral ng isang propesyon, sa pamamagitan ng isang vocational course o upang magkaroon ng experience sa pamamagitan ngapprenticeship.
Ang maximum number of entry visa, na pagkakalooban ng student visa ay itinakda sa pamamagitan ng isang dekreto na pinirmahan noong July 12 ni Mnistro Elsa Fornero at inilathala noong nakaraang Sabado sa Official Gazette. Tinukoy dito ang dalawang kategorya:
– Limang libong mga entry visa sa sinumang dadalo ng corso di formazione professionale na inorganisa ng mga accredited entities; maaaring magtagal hanggang 2 taon at nakatakdang bigyan ng isang kwalipikasyon o isang sertipikasyon ng dinaluhang kurso.
– Limang libong entry visa (nahati na sa mga Region at autonomous province) ay magpapahintulot upang umatend ng mga training o stage na kukumpleto sa professional course. Ito ay gagawin ng mga promoters tulad ng employment center, schools, university o mga ONLUS entities.
Upang magkaroon ng entry visa, ang dayuhan ay dapat magsumite sa Italian embassy/consulate ng mga dokumentasyong kinakailangan sa kurso at apprenticeship, na inaprubahan ng Regional office. Sa pagdating sa Italya, ay pagkakalooban ng permit to stay sa pag-aaral na maaaring i-convert sa trabaho kung pagkatapos ng kurso ay makakahanap ng trabaho.