Sa mga natatanging kaso, ang European Union ay nagnanais na ibalik ang entry visa requirement para sa mga dayuhan na ngayon ay malayang naglalakbay sa mga bansa nito. Ang proposal ay iminungkahi noong katapusan ng Mayo ng European Commission. Ito ay isang uri ng kaligtasan para sa kasunduan ng liberalisasyon ng mga entry visa.
Ang mga bansang malapit sa Europa, marahil ay mga kandidato upang maging bahagi rin nito, ay pinapayagan sa malayang paglalakbay sa Europa ang kanilang mga mamamayan sa loob ng tatlong buwan, ng walang anumang pahintulot. Isang mekanismo, gayunpaman, na naging daan sa iba’t ibang mga pang-aabuso, lalo sa huling dalawang taon makalipas ang kasunduan, naging exempted sa entry visa ang mga mamamayan ng mga bansang Serbia, Montenegro, Macedonia, Albania at Bosnia Herzegovina. Ang mga mamamayang ng mga bansang nabanggit ay malayang nakapasok sa ibang bansa ng Europa, nanatili bilang iligal matapos ang tatlong buwan ng malayang paglalakbay at nag-aplay ng asylum kahit walang mga requirements.
Ang bagong mekanismo na iminungkahi ng Komisyon ay upang pansamantalang ihinto ang pagpasok muli ng mga ito tulad ng mga pangyayari.