in

Estudyante: pwede ng mag-aplay sa italian universities

Muli na namang binuksan ang enrollment mula sa labas ng bansa. Pwedeng mag-aplay sa consulate, sa vacancies makikita sa internet.

Roma – Sa susunod na autumn ang mga kabataang dayuhan ay mabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa bansang Italya upang mag-aral sa italian universities. 

Mula ika-17 ng Mayo ang mga aspirants na nagnanais mag-aral sa bansang Italya ay pwede nang mag-sumite ng application sa Italian consulate na matatagpuan sa kanilang sariling bansa. Ang procedure sa taon na ito ay may pagkakaiba hindi tulad noong nakaraang mga taon sapagkat ang consulate mismo ang magtatalaga ng petsa, kaya’t kung kayo ay interesado, makipag-ugnayan agad upang hindi kayo mapagsaraduhan.

Sa buwan ng Hulyo, ibibigay ng mga konsulado ang application form sa mga unibersidad at sa buwan ng Agosto naman ay ilalathala nila ang listahan ng mga candidates na nakapasà sa italian language test at sila’y tatawagin sa mga unang araw ng Setyembre. Ang mga napiling candidates ay maaaring makapasok sa bansang Italya na may entry visa as students kaya’t kung makakapasa sila sa eksamin, mapapabilang sila sa final list. 

Walang quota diumano ang vacancies sa pag-aaral: ipinagbigay-alam na ng mga unibersidad ang pinakamataas na bilang ng mga dayuhang estudyante na pumasok sa listahan ng bawat kurso. Upang malaman kung ilan ang nakapasa o alamin kung may iba pang pagkakataon, maaaring magkonsulta sa database ng website ng Ministero dell’Universita: http://offertaformativa.miur.it/studenti/elenco2010/.

Paalala: Ang prosesong ito ay para lamang sa mga dayuhang nasa labas pa ng bansa. Ang mga dayuhang naninirahan na sa Italya at may permesso di soggiorno ay maaari nang magpalista sa kahit saang unibersidad tulad ng mga mamamayang Italiano. Subalit kailangan nilang magpakita ng diploma (kinuha sa sariling bansa o dito sa Italya) na siyang requirement upang makapasok sa unibersidad. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang security package at pagbabago sa family reunification

Bishop Cilibreti: “Itigil ang pagtanggi sa mga dayuhan”