in

EU Blue Card, ang kasunduan sa pagitan ng Viminale at Enel para sa mga highly skilled foreign workers

Mas pinadali ang pamamaraan. Maaaring kumuha at mag-empleyo ng mga highly skilled foreign workers sa pamamagitan ng simpleng komunikasyon lamang at hindi kakailanganin ang nulla osta.  

 

 

Pebrero 24, 2017 – Noong nakaraang lunes ay pinirmahan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Immigration and Asylum Head department ng Ministry of Interior at Enel Spa at mga associates nito: Enel Open Fiber, e-distribuzione spa, Enel Energia spa, Enel Green Power spa, Enel Ingegneria e Ricerca spa, Enel Italia srl, Enel produzione spa, Enel spa, Enel Trade spa. Ito ay ukol sa pagpasok ng mga highly skilled foreign workers para sa kilalang EU Blue Card. 

Ang dokumento ay naglalayong gawing simple ang pamamaraan ng pagpasok ng mga highly skilled foreign workers para maitaguyod ang professional and knowledge international exchange, batay sa rekomendasyon ng European Agenda on Migration.

Ang Enel SpA, at ang mga associates nito ay maaaring gamitin ang online communication system, sa halip ng normal na proseso na nangangailangan ng nulla osta. 

Sa pagdating na lamang sa bansa ng dayuhan magtutungo sa Sportello Unico per l’Immigrazione sa prefecture, kasama ang employer upang pirmahan ang kontrata at ang para sa kaukulang pagsusuri sa kundisyong nasasaad sa batas tulad ng employment contract, educational attainment, professional qualification  at halaga ng sahod. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Virginia Raggi, isinugod sa ospital

Matteo Salvini, kampi sa mga empleyadong nagkulong sa dalawang gypsies