in

EU Blue card, bagong regulasyon para sa mga highly skilled workers sa Europa

EU Blue card, bagong regulasyon para sa mga highly skilled workers sa Europa

Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Parlyamento at ng Konseho sa Europa kamakailan para sa isang revised Blue Card Directive. Narito ang mga nilalaman.

Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Parlyamento at ng Konseho sa Europa para sa bagong regulasyon ng pagpasok at paninirahan sa Europa ng mga highly skilled workers mula sa non-European countries sa ilalim ng revised Blue Card Directive.

Ang bagong iskema ay nagtataglay ng mga bagong regulasyon na inaasahang epektibong makaka-akit sa mga highly skilled workers sa Europa, kabilang ang mas madaling requirements para makasali, higit na karapatan at posibilidad na madaling makapag-trabaho sa mga EU Member States. Ang revised Blue Card ay isang pangunahing layunin ng New Pact on Migration and Asylum.

Narito ang mga pagbabagong nilalaman ng revised EU Blue Card

Mas madaling requirements – Upang maging kwalipikado para sa EU Blue Card, ang salary threshold ay mababawasan sa pagitan ng 1 at 1.6 beses sa average na taunang suweldo, upang maka-access ang mas maraming workers. Ang duration ng employment contract ay mababawasan din sa anim (6) na buwan. 

Qualifications and skills equivalency – Magkakaroon din ng bagong patakaran na magpapadali sa pagkilala ng mga professional skills para sa technology sector. Kikilalanin din ang mga professional experience na katumbas ng higher education qualification sa ilang sector. 

Mas madaling pagpalit ng employer at bansa – Sa loob ng unang 12 buwan, ang mga EU Blue Card holders ay kailangang gawin ang isang labor market test, kung gustong lumipat ng bansa o magpalit ng employer.

Ang mga mayroong international protection status ay maaari ding magkaroon ng EU Blues Card. 

Pinadadali din ang Family reunification process para sa mga EU Blue Card holders. 

Gayunpaman, ang European Parliament at ang Council ay kailangang pormal na kumpirmahin ang naging kasunduan kamakailan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng EU Blue Card Directive. Pagkatapos nito, ang bawat Member State ay mayroong 2 taon para sa gawin ang bagong regulasyon sa isang batas. 

Ang EU Blue Card ay ang tinatawag na super permit to stay, isang uri ng residence permit na ibinibigay sa mga non-EU highly skilled workers na nagnanais magtrabaho at manirahan sa Europa. Ito ay ipinatutupad sa Italya simula noong taong 2012. Ngunit sa Italya ay tila naging mahina ang appeal nito o hindi epektibo ang sistema nito. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 2]

Ako ay Pilipino

Obligasyong mag-suot ng mask sa outdoor, kailan tatanggalin?

Ako Ay Pilipino

EU green pass, sa Io app simula July 1