in

EU: Temporary permit to stay, hindi nagbibigay ng kalayaang bumiyahe sa mga bansa ng Schengen.

European Commissioner: “Wala pang conditions hanggang ngayon sa pagpapatupad ng European directive".

altAng pasiya ng pamahalaan sa temporary permit to stay para sa mga imigrante mula sa North Africa ay hindi ‘awtomatikong’ nagbibigay ng kalayaan ng pag-ikot o pag biyahe sa mga European countries ng Schengen.

Ito ang nasasaad sa isang sulat na ipinadala ng European Commissioner  for Internal Affairs, Cecilia Malmstrom, kay Interior Minister Roberto Maroni.

"Wala pang mga kondisyon sa ngayon" upang ipatupad ang EU Directive sa ‘pansamantalang pangangalaga’ ng mga migrante dumating sa Italya, nababasa rin sa sulat, na ang Directive ay pinoprotektahan ang mga imigrante na hindi maaring bumalik sa kanilang bansa."

"Walang bago" sa sulat na ipinadala ng European Commissioner for Internal Affairs, Malmstrom, kay Interior Minister Roberto Maroni.

Ang katotohanan, ang mga temporary permit to stay na ipagkakaloob ng Italya ay hindi awtomatikong magbibigay ng pagkakataong bumiyahe sa ibang bansa ng Schengen, “ ito ay isang bagay na kinilalà dahil nararapat na rispetuhin ang mga kondisyon ayon sa Treaty, sa kasong ito, ay aming sinunod.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Shamcey Supsup, Bb. Pilipinas Universe 2011

Shabu, dahilan ng pagkakakulong ng mga Filipino sa Italya.