“Ang kanilang presensya ay isang hamon para sa higit at laging bukas na pagtanggap”.
CdV, Nob 20, 2012. – "Ang social crisis ay hindi malulutas sa pamamagitan ng page-exclude sa mga dayuhan” bukod dito, “ang pananatili ng mga migrante ay isang hamon para sa higit at laging bukas na palad sa pagtanggap”.
Ito ang ipinahayag ni Bishop Paolo Schiavon, ang presidente ng Migrantes Foundation sa pamamagitan ng CEI.
"Ang imigrasyon – ayon sa Bishop – ay hindi isang simpleng problema: ito ay isang tema na nangangailangan ng malalim na pagtingin at debate sa pambansang seguridad, pang-ekonomiya, legal, panlipunan, ngunit kabilang din ang dignidad at ang buhay ng tao na nilikha katulad at ayon sa imahe ng Diyos”. “At dahil dito – dagdag pa ng Bishop – sa pagbubukas ng national conference sa Roma ‘Educare l’altro’ – ay pinangangalagaan ng simbahan gayun din ay kanilang obligasyon bilang “moral issue”.
"Ang pangunahing prinsipyo ng pagdiriwang – pagpapaliwanag ni Schiavon – ay ang layuning makatulad ng good Samaritan na hindi tumigil sa mga batas at patakaran ng convenience bagkus ay ang pagtulong sa mga kapatid na nasa pagsubok at pangangailangan; kung ang good Samaritan ay tumingin lamang sa mga patakaran ng bureaucracy, ay walang narating at natulungan”.