in

Experts ng Frontex tutulong sa repatriation sa Europa

Ang European Border and Coast Guard Agency ay naglunsad ng grupo ng mga eksperto na binubuo ng 690 specialists, security guards at observers. 

 

Enero 12, 2017 -Isinusulong ng EU ang repatriation ng mga irregular migrants. Ang mga bansang Italy at Greece ang nangungunang mga bansa at simula ngayon ay maaaring tulungan ng mga tauhan ng Frontex upang isagawa ang repatriation.

Ang pool of experts na inilunsad kamakailan ng Frontex ay binubuo ng 690 repatriation specialists, security guards at observers mula sa mga Member States at sa mga associated countries sa Schengen. Sila ay kikiloa batay sa kahilingan ng bawat bansa o sa inisyatiba ng European Commission.

Ang paglulunsad ng pool of experts, partikular sa tema ng repatriation ay magbibigay ng higit na kredibilidad at magbibigay ng malaking tulong sa mga awtoridad ng bansang nangangailangan nito. Ito ay partikular na kailangan sa mga bansang Italy at Greece kung saan noong nakraang taon ay umabot sa napalaking bilang ng mga migrante”, ayon kay Fabrice Leggeri, ang Executive Director ng Frontex.

Partikular, ang mga eksperto ay tutulong sa aktibidad ng pagkilala sa mga irregular migrants at sa pagkuha ng mga travel documents, at maging sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng mga country of origin ng mga dapat i-repatriate. Ang mga security guards naman ay kasama ng mga pulis sa repatriation na isinaayos ng frontex. Ang mga observers ang magmo-monitor upang masigurado na ang lahat ay nagagawa ng may rispeto at alinsunod sa fundamental rights. 

Ang pool, tulad ng paliwanag ng agency, ay magkakaroon din ng mga tauhang dalubhasa sa proteksyon ng karapatan ng mga menor. 

Ang mga personal profile ng mga miyembro ay ginawa ng Frontex sa pakikipagtulungan ng mga local authorities at European Commission. Ang lahat ay sasailalim sa formation bago tuluyang iharap sa kanilang tungkulin. Ito ay upang “masigurado ang mataas na antas ng kanilang aktibidad”. 

Noong 2016, ang Frontex sa loob ng 232 operations ay nagpauwi ng 10700 migrante. Ang nabanggit na ahensya ay tumulong din sa Greece para sa readmission ng 908 katao sa Turkey. Ang ahensiya, gayunpaman, ay hindi maaaring direktang magpasya sa deportasyon, dahil ang mga ito ay batay sa administrative o judicial authorities ng bawat bansa ng European Union.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong patakaran para sa foreign employees ng mga multinational corporates, aprubado

Mga Pinoy sa Roma nakiisa sa World Day for Migrants and Refugees