in

Expulsions dahil sa paglabag sa batas!

Expulsions at pagpapalayo mula sa bansang Italya dahil sa paglabag sa batas ng pananatili ng regular sa bansa.

Roma – Humigit-kumulang 10,000 ang mga dayuhang non-EU at EU natuionals ang hinatid sa tanggapan ni Maurizio Improta ng Immigration Office ng halos 49 istasyon at dibisyon ng mga pulis ng Roma na nag-kontrol upang pigilan at labanan ang iba’t- ibang uri ng paglabag sa batas mula Enero ng taong kasalukuyan.

altAng mga pulis, kasama ang iba pang mga tanggapan na kabahagi sa iba’t-ibang mga uri ng kontrol, ay inilagak sa Immigration Office ang mga dayuhan upang i-verify ang posisyon ng mga ito na naghatid ng halos 5600 expulsions at pagpapalayo mula sa bansa dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng pananatili dito. Ang mga kontrol sa kalsada ng Roma ay dinalasan sa nakalipas na buwan dahil sa isang pag-uutos ng commissioner (o Questore) partikular, ang paghahanap sa mga taong  itinuturing na panganib para sa lipunan at maaaring gumawa ng krimen at mga paglabag.

Sa ganitong konteksto, ang Immigration Office ang lumalabas na kinatawan na lumalaban sa iligal na imigrasyon, kasama ang ilang network na pangunahing nakatutok sa pagpapatakbo ng prostitusyon sa kalye, mga kontrol sa mga squatter areas at mga istasyon ng tren, partikular ang koneksyon nito sa pananatili ng ilegal na imigrante sa bansa maging ang pekeng trademark.

Mga kalalakihan ang karaniwang nahuhuli sa pamamagitan hindi lamang ng pangongontrol sa mga kalye ng sitwasyon ng pananatili sa bansa.

Ang Immigration Office ng Roma ay nagsasailalim ng mga random check maging ng mga dayuhang mayroon nang permit to stay. Sa ganitong pamamaraan ay 85 kaso na ang napawalang-bisang mga permit to stay ng tanggapan sa Via Patini. Samantala kung renewal at releasing naman ang pag-uusapan, mayroon nang higit sa 115,000 ang mga permit to stay. Ang mga ulat, ay nagpapakita ng makabuluhang bilang sa bansa ng mga komunidad ng Filipino at Intsik.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Integration agreement at Permit to stay point system, ipatutupad na sa Marzo 2012!

The Provisional New 7 Wonders of Nature