Inaprubahan ng European Commission ang kahilingan ng limang mga bansa. “Malalang pagkukulang sa pamamahala sa internal borders”.
Roma, Mayo 5, 2016 – Ang free circulation o libera circolazione sa Europa, sa ngayon ay pansamantalang hindi ipinatutupad. Germany, Austria, Denmark, Sweden at Norway ay nagpapatuloy gawin ang control sa mga frontier bilang tugon “sa mga pagbabanta sa public order at internal security”, na kumakatawan sa “secondary movements ng mga irregular migrants”.
Ang European Commission ay inaprubahan ang six months extension tulad ng hiniling ng limang bansa, at ipinadala ng Brussels sa Konseho ang rakomendasyon, kung saan nasasaad na may katwiran ang ikinatatakot ng mga bansang nabanggit, ang emerhensya ay nagpapatuloy sa kabila ng kasunduan sa Turkey at pagsusumikap ng Greece.
“Nananatili pa rin ang migration pressure sa external frontier at isang malaking bilang ng mga migrante sa Greece. Samakatwid, habang nananatili ang matinding problema sa pamamahala ng mga frontier, ay kailangang manatili ang internal control. Mayroong malinaw na roadmap upang bumalik sa Schengen sa Nobyembre at kailangang maayos na makabalik dito”, ayon kay Committee Vice president, Frans Timmermans, at binigyang diin “pananatilihin namin ang Schengen sa pagpapatupad ng Schengen”.
Ang pagpapanumbalik ng internal control sa katunayan ay nasasaad sa Schengen Borders Code sa mga partikular na kaganapan tulad ng “pagkakaroon ng malalang pagkukulang” ng isang external frontier. Ang mekanismo ay kontrolado ng Committee, na nagyon, batay sa pagsusuri ng sitwasyn sa Greece, ay nagmungkahi ng extension.
Saan magpapatuloy ang mga control?
Sa Austria hanggang sa terrestrial border ng Hungary at Slovenia (hindi kabilang ang Brenner); sa Germany hanggang sa Austrian border; sa Denmark sa mga ferry ports sa Germany at sa kahabaan ng terrestrial border ng Germany; sa Sweden sa port ng Police Region South at West at ang Öresund bridge na nag-uugnay sa Denmark; sa Norway sa Norwegian ferry port para sa Denmark, Germany at Sweden.