Muling susuriin ng Inps ang mga aplikasyon na unang tinanggihan dahil sa kawalan ng EC long term residence permit gamit ang bagong form. Ang komunikasyon ng Inps.
Inilathala ng INPS ang isang komunikasyon bilang 661 ng Feb 13, 2018 kung saan nasasaad ang mga instructions mula sa Ordinanza del Tribunale di Milano para sa extension ng benepisyo ng € 800 sa mga dayuhang Ina na regular na naninirahan sa Italya na unang tinanggihan ang mga aplikasyon batay sa Circular n. 39/2017 at n. 78/2017.
Matatandaang ang bonus mamma futura ay inilaan din sa mga dayuhang Nanay ng bagong panganak o may bagong ampon na menor de edad batay sa articolo 1 talata 353 ng Batas Dec 11 2017 at bilang 232 ng Legge di Stabilità 2017.
Ang muling pagsusuri ng mga aplikasyon ay gagawin ng itinalagang tanggapan matapos isumite ang aplikasyon gamit ang bagong form buhat sa Inps. Samakatwid, ang Inps ay magpapatuloy sa pagsusuri ng mga aplikasyong unang tinanggihan dahil sa kawalan ng EC long term residence permit gamit ang bagong form.
Bukod dito, bilang pagsunod sa mga probisyon ng Ordinansa, isang bagong impormasyon ang makikita sa homepage ng website ng Inps na layuning ipaalam sa publiko ang pagpapalawak ng benepisyo.
Narito ang bagong form.
Basahin rin:
Bonus Mamme, ibibigay rin sa mga Nanay na mayroong regular na permit to stay