Inimbistigahan ng mga tauhan ng Guardia di Finanza ang isang organisasyon ng mga ghost companies na nagbebenta ng ‘regularization’. Bawat imigrante nagbabayad ng halos 7,000 euros.
Naples – March 25, 2016 – Ghost companies o aziende fantasma upang magkaroon ng mga permit to stay at makatanggap ng mga benepisyo buhat sa Inps at. Modus operandi sa pangunguna ng accountant o commercialista, labor consultant o consulente di lavoro at isang pensyonado na dating empleyado ng Inps.
Ito ang natuklasan sa ginawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Guardia di Finanza ng Compagnie di Ottaviano, sa koordinasyon ng procura di Nola, Napoli. Labingtatlo ang notice of termination of preliminary investigation sa krimeng conspiracy, fraud, forgery and abetting illegal immigration.
Sa ginawang imbestigasyon ay natuklasan ang isang solid and organized criminal organization, na nagsimula sa San Gennaro Vesuviano at Palma Campania, na layuning gumawa ng mga pekeng hiring upang pagkakitaan ng mga Italians at para sa mga dayuhan ang magkaroon ng permesso di soggiorno.
Hindi kahit kailan nag-exist bilang mga kumpanya, mga tinatawag na ‘ghost companies’, ngunit nag-hire ng mga workers at pormal na nagtanggal din sa mga ito upang makatanggap ng unemployment benefit buhat sa estado. Samantala, sa mga dayuhan naman ay ibinibigay ang permit to stay sa pamamagitan ng fake hiring bilang colf at mga caregivers ng mga kasabwat sa modus.
Ayon kay prosecutor Nola Paul Mancuso, ang papel na ginagampanan ng commercialista at labor consultant, dahil sa kanilang kakayahang teknikal, ay kanilang “nalikha ang mga ghost companies, ipeke ang hiring at dahil na rin sa kanilang kapasidad ay nagawa ang mga papeles na kinakailangan upang magarantiya ang mga benepisyo buhat sa Inps at ma-renew ang permit to stay”.
Ang mga may koneksyon naman sa komunidad ay ginagawang ‘mediators’ para makahikayat ng mga kliyente sa pamamagitan mismo ng mga miyembro ng komunidad.
Bukod dito, dahil sa mga nabanggit sa itaas ay natuklasan na 600 undocumented ang nagkaroon ng permit to stay, lahat ay naka-report ngayon sa awtoridad. Bawat isa ay nagbayad ng humigit kumulang 7,000 euros para sa service fee, mediators, kontribusyon sa Inps at bayad sa pekeng employer.