in

Family allowance, para rin sa mga miyembro ng pamilya sa sariling bansa

Ang sinumang mayroong carta di soggiorno ay katulad ng mga Italians at hindi mahalaga kung saan naninirahan ang asawa at anak. “Isang diskriminasyon buhat sa Inps” – Court of Appeals ng Brescia. Narito ang hatol.

 

Roma, Hulyo 28, 2016 – Kung ang imigrante ay mayroong long term residence permit o ang tinatawaga na carta di soggiorno, hindi mahalaga kung ang asawa at anak ay nasa Italya o nasa sariling bansa, dapat ay kasama pa rin sa kalkulasyon ng family allowance o assegni familiari.

Ito ay ayon sa Korte ng Brescia noong Abril 2015 at kinumpirma nitong Hunyo ng Court of Appeals. At dito nagwawakas ang matagumpay na laban ng anim na dayuhang, nagsulong ng kaso matapos tanggalan ng benepisyo dahil sa sariling bansa naninirahan ang mga anak. Ang kanilang kinatawan, sina Alberto Guariso at Livio Neri.

Ipinatupad ng INPS ang batas ng  Italya (L. 153/1988) ukol sa family allowance kung saan nasasaad na”hindi kabilang sa family composition ang asawa, anak ng dayuhang hindi naninirahan sa Italya” maliban na lamang sa pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa. Ito ay isang isang limitasyon na hindi umiiral sa mga Italians. 

Gayunpaman, ang batas na ito ay labag sa European Directive 2003/109/EC, na nagsasaad na “ang mga permanent residents ay may pareho at pantay na karapatan ng mga Italians kung welfare ang pag-uusapan”. Para sa mga hukom ang family allowance ay isang welfare benefit at samakatiwd ang “hindi pagbibigay nito ay hindi sang-ayon sa prinsipyo ng batas ng Europa”. 

Ang batayan na ang miyembro ng pamilya ay wala sa Italya ay hindi makatarungan at isang diskriminasyon. Ang Inps samakatwid tulad ng public administration ay kailangang hindi ipatupad ang batas ng Italya at sa halip ay gundin ang batas ng Europa at dapat ibigay ang family allowance. 

Narito ang hatol (mula Asgi website)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mariel Coronacion Agnis, nawawala noong Huwebes pa!

Citizenship ng anak ng mga imigrante, sa Setyembre na tatalakayin