Ang sinumang kumikita ng itinakdang halaga ay maaaring kunin ang asawa, anak at magulang para manirahan sa Italya. Narito ang required salary para sa family reunification ngayong 2017.
Roma, Enero 23, 2017 – Asawa, anak, magulang at civil partner. Sila ang mga miyembro ng pamilya na maaaring papuntahin sa Italya sa pamamagitan ng family reunification, sa kundisyong may angkop na tahanan kung saan maninirahan at sapat na sahod na makakatugon sa lahat ng pangangailangan.
Ito ang dahilan kung bakit bukod sa angkop na tahanan, para sa aplikasyon ng family reunification ay kailangan ang sapat na sahod. Partikular, ayon sa Batas sa Imigrasyon o Testo Unico sul’Immigrazione, ay kinakailangan ang pagkakaroon ng required salary, buhat sa legal na paraan, na hindi bababa sa halaga ng social allowance o assegno sociale at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat miyembro ng pamilyang idadagdag.
Gayunpaman ay mayroong exemption: “Para sa family reunification ng dalawa o higit pang anak na mas bata sa 14 anyos ay kinakailangan na ang sahod ay hindi bababa sa doble ng halaga ng assegno sociale”. At mayroong ding pagpapagaan dahil sa kalkulasyon ay isinasaalang-alang, bukod sa sahod ng aplikante, ang kabuuang sahod ng mga miyembro ng pamilyang kapisan o kasama sa tahanan o convivienti.
Ang batayang halaga ay nananatiling ang halaga ng assegno sociale, at sa taong 2017 ay € 5.824.91, ayon sa Inps.
Narito ang required salary sa pag-aaplay ng family reunification.
Family reunification para sa 1 miyembro ng pamilya: € 8737,36
Para sa 2 miyembro ng pamilya: € 11649,82
Para sa 3 miyembro ng pamilya: € 14562,27
Para sa 4 na miyembro ng pamilya: € 17474,73
Para sa 2 o higit pang bilang ng anak na mas bata sa 14 anyos: € 11649,82
Para sa 1 miyembro ng pamilya at 2 o higit pang bilang ng anak na mas bata sa 14 anyos: € 14562,27
Para sa 2 miyembro ng pamilya at 2 o higit pang bilang ng anakna mas bata sa 14 anyos: € 17474,73