Simula Agosto 17 ay kailangang ipadala ng aplikante sa Sportello Unico per l’Immigrazione online ang kailangang dokumento lakip ng application form. Narito ang Circular.
Lubos na digital na ang proseso ng aplikasyon ng family reunification. Ito ay ang tinatawag na ‘ricongiungimento familiare’ na nagpapahintulot na makarating sa Italya ang mga miyembro ng pamilya ng dayuhang regular na residente sa Italya.
Simula Agosto 17, ay kailangang ipadala na online ng aplikante ang mga dokumento na inilalakip sa application form na ipinadadala sa Sportello Unico per l’Immigrazione ng prefecture.
Ito ay ayon sa Circular 2805 ng July 31, 2017 ng Department of Civil Liberties and Immigration, kung saan nasasad rin ang guidelines ukol sa bagong procedure ng pagpapadala ng aplikasyon, batay sa batas 46 ng 13/04/2017, na sinusugan ang artikulo 29 ng legislative decree 286/98.
Samaktwid, ang aplikasyon para sa nullaosta, na isusumite online ng dayuhang aplikante, ay dapat na lakip din ang mga scanned copies ng dokumentasyon ukol sa kabuuang ng sahod at angkop na tahanan tulad ng nasasaad sa artikulo 29, talata 3 ng testo unico dell’Immigrazione. Ito ay magpapahintulot sa mga Sportello Unico ang masuri ang mga requirements at magpatuloy sa bagong itinalagang limitasyon ng panahon, o 90 araw mula sa pagsusumite ng aplikasyon, para sa releasing ng nulla osta.
Gayunpaman, ang komunikasyon ng pagkakatanggap sa aplikasyon ng nulla osta ay ibibigay sa aplikante sa pagsusumite nito ng mga orihinal na kopya ng mga dokumentong inilakip sa aplikasyon. Ito ay magpapahintulot namang masuri ang katotohanan ng mga inilakip na dokumento.
Simula August 17, 2017, sa online system ay makikita na rin ang mga karagdagang page kung saan ia-upload ang mga dokumento. Bawat dokumento ay maaaring ipadala ng JPEG; PDF o TIFF hanggang 3MB bawat dokumento.
Bashing rin:
Family Reunification, sagot sa loob ng tatlong buwan