Salamat sa dekreto sa imigrasyon at asylum, na naging sanhi upang mabawasan ng kalahati ang panahon ng paghihintay sa proseso ng family reunification, mula 180 sa 90 araw. Gayunpaman, pinili ng gobyerno ang hindi ibalik ang ‘tacit-consent’.
Pebrero 21, 2017 – Ang mga aplikante bagaman hindi ito napapansin, ang family reunification, ay naging mas mabilis ang proseso.
Ang pagbabago ay nagsimula noong nakaraang Sabado, sa pagpapatupad ng decreto legge su immigrazione e asilo. Bukod sa maraming panuntunan na nakalaan sa mga refugees at irregulars, ay bahagyang nabanggit din ang mga regular na naninirahan sa Italya at nais na papuntahin sa Italya ang asawa, anak o magulang.
Isang susog sa Artikulo 29 ng Immigration Law, ang nasasaad ukol sa aplikasyon ng family reunification na dapat isumite online sa Sportello Unico per l’Immigrazione ng Prefecture at sa parehong paraan ay matatanggap din ang resibo nito. Walang pinagbago, dahil sa katunayan nasasaad na ito ay ginagawa ng ilang taon na.
Sa halip ay mas mahalaga ang panuntunan na nagbabawas sa panahon ng paghihintay sa pagbibigay ng Sportello Unico per l’Immigrazione ng nulla osta sa family reunification. Hindi na “sa loob ng 180 days” ngunit ayon sa decreto legge “sa loob lamang ng 90 days”.
Samakatwid, simula ngayon, makalipas ang tatlong buwan at walang anumang kasagutan, ang dayuhan ay maaaring mag-follow up o magpadala ng letter of formal notice (diffida) sa Prefecture, hanggang sa umabot sa isang ganap na legal action. S
a pagitan ng dalawang salita “paghihigpit at integrasyon” na iginigiit ni Minister of Interior Marco Minniti, ito ay tila isang maliit na bagay lamang para sa integrasyon. Sayang at pinalampas ang isang magandang pagkakataon upang gawin ang pagbabagong ito na mas mahalaga para sa mga regular immigrants.
Hanggang 2009, bukod sa nasasaad ang petsa ng kasagutan sa mga aplikasyon ng family reunification, pinahihintulutan din ng Testo Unico sull’Immigrazione ang tacit-consent. Kung ang Sportello Unico ay hindi sasagot sa panahong nabanggit, ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring diretsong lumapit sa Italian embassy para sa releasing ng entry visa.
Ito ay ang mekanismong tinanggal sa legge sulla sicurezza (l 94/2009) ng Lega Nord at Popolo della Libertà. At ng nagbalik sa posisyon ang centre-left, ay wala sinuman ang nakaisip na ibalik ito. Isang bagay na kinumpirma kahit ni Minniti at Gentiloni.
“DECRETO-LEGGE 17 febbraio 2017, n. 13 “Disposizioni urgenti per l’accelerazione dei procedimenti in materia di protezione internazionale, nonchè per il contrasto dell’immigrazione illegale”.
Articolo 9. 1. Al decreto legislativo 25 luglio 1998, n. 286, sono apportate le seguenti modificazioni:
a) […]
b) all’articolo 29:
1) al comma 7, il primo periodo e’ sostituito dal seguente: «7. La domanda di nulla osta al ricongiungimento familiare, corredata della documentazione relativa ai requisiti di cui al comma 3, e’ inviata, con modalita’ informatiche, allo Sportello unico per l’immigrazione presso la prefettura – ufficio territoriale del Governo competente per il luogo di dimora del richiedente, il quale, con le stesse modalita’, ne rilascia ricevuta»;
2) al comma 8, le parole: «entro centottanta giorni» sono sostituite dalle seguenti: «entro novanta giorni»”.