Roma – May 11, 2010 – Hanggang sa ngayon ang pintuan ng bansang Italya ay madaling buksan upang magpapasok sa mga dayuhan kaya’t ang karapatan ng mga ito ay iilan lamang. Ito ang dahilan kung bakit hindi umano magarantiyahan ang karapatan ng mga migranteng legal na naninirahan sa bansa.
Ang inaasahan ni Piero Fassino ay magkaroon ng pagbabago sa mga patakaran. Krisis ang relasyon ng Pd at ng lipunan at ang Lega ay may malaking tungkulin upang lutasin ang mga suliranin at humanap ng bagong kasagutan sa mga problemang kinakaharap sa usaping migrasyon.
Binatikos ni Fasino na hanggang ngayon ang left leaning group ay masyadong permissive at siya’y naghain na palawakin ang pagbibigay ng social services upang punan ang pangangailangan ng mga italyano at mga dayuhan.
Ayon pa kay Fassino, hindi ito laban ng mga bata. Kailangan ang plano para sa mga day care centers at nursery school. Sa Germany, 35% ang siguradong pwesto para sa mga bata. Samantalang may 10% lamang meron ang Italya: itaas natin sa 35% at wala nang magiging conflict. Kung pangangalagaan lamang ay ang mga italyano, siyempre magkakaroon ng segragation at insecurity. Kung pangangalagaan nama ay ang mga dayuhan sapagkat may dinadalang prinsipiyo na sila’y mahihirap, may mga italyano naman na di sasang-ayon dito. Dobleng kasagutan ang kailangan.
Kahalintulad ito ng usapin tungkol sa pabahay ng gobyerno. Inaasahan ni Fassino ang isang plano sa social housing. Sa bansa may 25% ng mga italyano, matatanda at mga kabataan ay hindi nagmamay-ari ng kanilang tahanan sapagkat wala silang sapat na kinikita. Sa ngayon diumano, ang muling pagpapapasok sa mga dayuhan ay magiging dahilang pagdagdag sa mga nangangailangan ng trabaho at bahay.