Ang filled up questionnaire ay kailangan i-submit hanggang Feb 29. Kung hindi, ay maaaring mamultahan hanggang sa 2000 € at ang pagka-kansela sa registry office (na para sa mga imigrante ay may malubhang epekto)
Roma – Pebrero 9, 2012 – Ang Census ay malapit ng matapos at ang mga latecomers ay dapat kumilos hanggang bago sumapit ang Peb 29.
Matatapos sa katapusan ng buwang ito ang deadline para sa pagbabalik ng mga questionnaires na ipinamahagi ng Istat nang hindi nanganganib na mamultahan. Ayon sa legislative decree n. 322 ng 1989, ang hindi magbibigay ng sariling personal informations (o sadyang magbibigay ng hindi tamang impormasyon o hindi kumpleto) sa katunayan ay maaaring mamultahan mula sa 206 hanggang 2065 €.
Para sa mga imigrante ay maaaring maging mas mabigat ang parusa, dahil maaaring makansela mula sa registry at samakatuwid ay magre-resultang hindi na residente sa bansang Italya. Ito ay magkakaroon ng malubhang epekto, halimbawa, sa pagbibilang ng mga taon ng paninirahan sa bansa na kinakailangan para sa aplikasyon ng citizenship o upang makatanggang ng benepisyo ng housing project (case popolari) buhat sa pamahalaan.
Upang malaman kung paano at kung saan dapat isumite ang mga aplikasyon, makipag-ugnayan sa toll free number 800,069,701. Dito, gayunpaman, ay matatagpuan ang mga gabay sa labinsiyam na wika para sa compilation ng mga questionnaires.