Ito ay ayon sa FIAIP (Federazione Italiana Agenti Immobiliari Professionali) ng Bergamo, na kahapon ay inihayag ang mga datos ng kanilang pag-aaral.
Bergamo – Ang mga migrante ay higit na mas maaasahan kaysa sa mga Italyano sa pagbabayad ng upa.
Ayon sa mga pag-aaral ng Fiaip Bergamo, ang umupa ng tirahan ay higit sa mga bagong couples, marahil dahil sa hirap na mapa-aprubahan ang bank loans at ang mga migrante na “lumalabas na mas mahusay sa pagbabayad nito, kumpara sa mga Italians”- paliwanag ni Salvatore Ranucci, Miyembro miyembro ng Scientific Committee ng Fiaip.
”Ang mga migrante ay natatakot mawalan ng matitirahan at bilang risulta nito ay maaaring manganib rin ang kanilang mga permit to stay – bigay-diin ni Giuliano Oliva, ang Pangulo ng Fiaip Bergamo. Ang mga migrante ay nagsa-sakripisyo, handang ipagpaliban ang ilang pangangailangan mabayaran lamang ang upa ng bahay. Hindi ito nangangahulugan na ang mga taga-Bergamo ay kabaligtaran ng mga dayuhan lahat. Ito ay ang pagbibigay ng tamang ‘prioridad’, dahil sa halagang dulot ng pagkakaroon ng matitirahan lalong higit para sa mga migrante, kung saan nakasalalay ang kanilang pannanatili sa bansang Italya.