Halos apat na libo ang lumabas ng kanilang mga tahanan at bumoto noong nakaraang linggo upang piliin ang magiging kasapi ng “Commission para sa representasyon ng mga dayuhan” sa Padua. Ang alkalde na si Zanonato: “Magandang patunay sa demokrasya.” Narito ang mga boto na nakuha ng bawat kandidato.
Rome – Ang mga migrante ng Padua ay naghalal ng kanilang Commissioner upang sila ay mabigyan ng boses sa konseho at sa mga distrito. Noong nakaraang linggo, halos 4,000 na mga migrante ang bumoto upang piliin ang kanilang kinakatawan. Mas mataas ang inaasahang numero dahil ang mga may karapatang bumoto ay 18,000 ngunit ito ay naging sapat upang maabot ang
korum ng 15% na itinakda ng regulasyon, hapon pa lamang. Ang Intsik na si Jing Weng Xia, ang Bangladesh na si Jahangir Bhuyan at ang Pilipina na si Kristine Bernadette Deligente Manalo ang mga may pinakamaraming boto sa apat-napung kandidato, (Narito ang mga boto sa bawat kandidato).
Ang “Commission para sa representasyon ng mga dayuhan” ay maaaring magsumite ng mga mungkahi o ipahayag ang mga opinyon sa pagsusuri kasama ng iba’t-ibang mga kinatawan na namamahala sa City. Ang Pangulo o ang Vice President ng Komisyon ay lalahok sa mga konseho, at ang mga delegate members naman ang lalahok sa gawain ng mga Commission ng Konseho at konseho sa mga Distrito.
“Sinusubukan naming bigyan ng malalim na kahulugan ang salitang integrasyon – ayon sa alkalde Flavio Zanonato – salitang laging ginagamit ngunit hindi naman nagagawa sa praktikal na pamumuhay. Sa kasong ito ay napatunayan ang demokrasya. Dito ay mayroong mga migrante na hindi bumoto kaylanman sa kanilang buhay dahil ay hindi maaaring bumoto sa kanilang mga bansa: sila ay magbibigay ng isang representasyon na mayroong dual function: ang una ay kumatawan sa kanilang mga interes, sa kanilang mga pangangailangan at kanilang mga problema at pangalawa ay maaari ding bigyan sila ng pagkakataong malaman ang mga problema sa Padua, at paghingin pati sa kanila ng kanilang aksyon.