“Mas mahabang panahon ang aking ibibigay samga imigrante upang makahanap ng trabaho”
Roma, Abril 10, 2012 – “Ang prinsipyo ng batas ay tama ngunit kung ako ay bibigyan ng pagkakataon ngayon, ay babaguhin ko ito”
Nagsalitasi Gianfranco Fini ukol sa batas ng imigrasyon na kanyang pinirmahan, kasama si Umberto Bossi.Isang teksto, pagpapaliwanag sa mga mag-aaral ng agrikultura sa Rome sa isang panayam bilang bahagi ng “Institusyon”, isang tv program ng Rai Educational sa Raitre, kung saan ay sinusuportahan ng mga bago at mga modernong patakaran sa citizenship.
“Ang mga pagbabago na nais kong gawin ngayon – ayon pa sa Presidente ng Kamara – ay ang gawing elastic ang mga patakaran sa pananatili sa Italya sa panahong ang mga imigrante ay mawalan ng trabaho. Maraming mga tao ang nawawalan ng trabaho sa kasalukuyan at labis na mahirap ang muling makakuha ng panibagong trabaho. Sa batas, na aking ginawa, ay nasasaad na ang imigrante na mayroong permit to stay, at nawalan ng trabaho, ay mayroon lamang anim na buwan upang humanap ng panibagong trabaho”.
“Nais kong habaan ang panahong ipinagkakaloob ng batas, dahil tunay na mahirap sa panahon ngayon ang humanap ng trabaho. Subalit, nananatiling prioridad ang baguhin ang batas sa citizenship. Naniniwala ako na makatarungang ipagkaloob sa mga ipinanganak sa bansang Italya, o maging sa mga dumating sa Italya noong mga bata pa, sa kundisyong sila ay nakatapos ng isang scholastic cycle sa bansa – pagtatapos pa ng Presidente ng Kamara – at permanenteng naninirahan sa Italya.