Sapat nà ang makatapos ng isang siklo ng pag-aaral.
Nanatiling walang awtomatikong ‘citizenship’ ang sinumang ipinanganak dito, ngunit napakatagal ng labing walong taonng paghihintay para maging Italian. Si Gianfranco Fini ay muling nagmungkahi ng isang reporma sa citizenship upang paboran ang ikalawang henerasyon.
Kahapon ng umaga, sa isang pulong ng mga mag-aaral sa Teatro Casalmaggiore, isang ina ng mga banyagang mag-aaral ang nag tanong ng kanyang opinyon ukol sa karapatan ng mga kabataang imigrante. “Marami akong duda ukol sa ius soli, sapagka't sa panahon ng malawakang imigrasyon ay kailangan ang mag-ingat ngunit ang labingwalong paghihintay naman ay napakatagal”, sagot ni Fini.
''Sa ilang bansa, at ito ang aking opinyon, ay ibinibigay ang citizenship pagkatapos ng isang takdang panahon, halimbawa, pagkatapos ng itinakdang panahon ng pagtatapos ng pag-aaral, dagdag pa nito. Kasalukuyan isang mainit na debate ito na dapat harapin sa Italya at inaasahan namin na walang propaganda ukol dito''.
Ang Ius soli ay hindi isang bagong isyu. Pati ang nilagdaan ni Andrea Sarubbi (PD) at Fabio Granata (FLI) ay umaasang magiging Italians mula sa kapanganakan lamang ang mga ipinanganak sa Italya kung ang mga magulang ay nasa Italya na ng hindi bababa sa limang taon, kung hindi, kailangang matapos ang pag-aaral. Ang proposal, ay kasama ang labing apat na iba pa na may parehong paksa, ngunit ang mga ito ay naka-pending mula noong nakaraang sa House Committee on Constitutional Affairs.
Mahirap makahanap sa ngayon ng pag-sangayon sa majority. Si Isabella Bertolini, PDL, ay inatake si Fini: "Pagkatapos sang-ayunan ang linya ng PD sa citizenship ng mga imigrante, si Fini ngayon ay nagbibigay sa amin ng isang ‘perlas’ na magbenta ang isang pangunahing karapatan at ito ay ang matagal na paghihintay ng 18 taong gulang upang makakuha ng citizenship. Ang karapatang ito ay naaayon sa mga tunay na saloobin ng isang tao, at ito ay dumarating sa pagkakaroon ng sapat na edad lamang."
Ito ay madali''-dagdag Bertolini – para kay Fini, ang citizenship ay saligan ng integrasyon, ngunit para sa amin ay hindi. Ang paggawad ng citizenship ay kaganapan ng proseso ng isang tunay na integrasyon, na kung saan ay nababatay sa pagtupad sa mga mahalaga at mga principal na prinsipyo ng ating Saligang Batas at ng ating lipunan. "
“Nakakalungkot ang mga pangungusap ni Hon. Bertolini”, ayon sa draft ng reporma ng citizenship, upang labanan ang mga isyung ito. Tanging sa paraang ito lamang, sa katunayan, ay maaaring humantong sa kaguluhan sa pagbibigay ng citizenship para sa mga batang ipinanganak o nanirahan dito, kumpara sa mga may edad nà, batikos ni Andrea Sarubbi, ng Democratic Party.
Para kay Sarubbi "kung ang pamahalaan ay naging buo sa harap ng mga emergencies sa mga panahong ito sa loob lamang ng dalawang araw sa isyu ng imigrasyon at refugee pati ng temporary permit to stay, ganito rin ang nararapat na pagharap sa isyu ng citizenship”. "Sa isyu ay hindi pa handà hindi lamang ang lipunan ngunit pati na rin ang Parlyamento, at hindi mahirap na makahanap ng isang majority upang aprubahan ang mga reporma ng citizenship kahit ng mga menor de edad lamang''