Inanunsyo ni Renzi kamakailan ang isang ad hoc action, ngunit hindi nababanggit hanggang sa ngayon ang aumang petsa: “ayaw kong magbanggit ng eksaktong petsa, dahil kapag ako ay nangako, nais kong itong gampanan”
Roma, Abril 22, 2014 – Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng ihayag ng gobyerno ni Renzi ang binabalak na pagbibigay ng “bonus fiscale” maging sa mga may hawak ng VAT o partita IVA at mga ‘incapienti’ o ang mga mayroong gross income na mas mababa sa 8,000 euros kada taon: isang magandang balita na para rin sa mga colf, caregivers at babysitters.
Gayunpaman, sa isang press conference, ayon sa Premier, sa kabila ng pagsusumikap na maibigay ang pagkakataong ito sa mga mayroong partita IVA at mga ‘incapienti’ sa inaprubahang dekreto noong nakaraang Biyernes, ito umano’y magiging sanhi ng pagbaba sa halaga ng bonus o sa 80 euros nauna ng inihayag. Dahil dito, ang Konseho ng Ministro ay nagpasyang panatilihin ang ipinangakong karagdagang 80 euros sa mga busta paga simula sa katapusan ng Mayo sa lahat ng kumikita mula sa 8,000 hanggang 26,000 gross income yearly.
Sa loob ng ilang linggo o buwan, gayunpaman, ang bonus na pinag-uusapan ay inaasahang maibibigay, na halos katulad ng nasasaad sa draft na kumakalat hanggang ilang araw pa lamang ang nakakalipas sa Konseho ng mga Ministro: para sa mga incapienti, isang bonus ang tinutukoy na ibibigay sa 2 pagkakataon ng withholding agent o sostituto d’imposta at para sa mga mayroong kita o sahod hanggang 8,000 na tinutukoy ang bonus para sa mga colf at caregivers ay ibibigay (o i-a-anticipate) muna ng mga employer na maaaring ibawas sa halaga ng kontribusyon na ibabayad sa Inps. (EP/PG)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]