in

Flussi 2016 – Contratto di soggiorno katumbas ng comunicazione obbligatoria

Kinumpirma ng Inps na pagkatapos pumirma sa Sportello Unico ay nagsisimula na ang hiring. Isang paraan upang “labanan ang regular na pagpasok na hindi nasusundan ng hiring”.

 

Roma, Maros 24, 2016 – Simula noong Pebrero, ang mga imigrante at mga employer, ay nagsusumite ng mga aplikasyon ng flussi 2016. Ang bilang o quota ay 30,000 para sa seasonal job, conversion ng permit to stay at ilang daang entries para sa self-employed at subordinate.

Ang Inps kamakailan ay nagpalabas ng mensahe kung saan nababanggit ang dibisyon ng mga bilang ng entries at ang paraan ng pagsusumite ng aplikasyon.

Ang mga dayuhang manggagawa, sa pagdating sa Italya, ay pipirma ng contratto di soggiorno o employment contract kasama ang employer sa Sportello Unico per l’Immigrazione.

Ipinapaalala ng Inps na ang pirma ay katumbas ng “comunicazione obbligatoria” na obligadong gawin ng mga employer at samakatuwid ay isinasaalang-alang na simula ng rapporto di lavoro o hiring. Ito ay isang modo upang mapadali ang proseso at malabanan ang regular na pagpasok na hindi nasusundan ng hiring”. “Message no. 1149 ng Marso 14, 2016 INPS” D.P.C.M. 14/12/2015 – Programmazione transitoria dei flussi d’ingresso dei lavoratori non comunitari nel territorio dello Stato, per l’anno 2016 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Suspek sa Brussels attack, 3 hanggang 4 na terorista

False hiring sa halagang 7,000 euros para magkaroon ng permit to stay