Isang pakikipanayam sa bagong Director ng Imigrasyon ng Ministero ng Paggawa. “Sa aking pananaw, nararapat munang isipin ang mga mangagawang naririto na sa Italya at nawalan ng trabaho.”
Roma – Upang mas mapabuti ang programa ng pagpasok ng “flussi” na may sapat na bilang na tumutugma sa tunay na pangangailangan ng mga pamilya sa Italya, at makalikha ng isang mahusay na sistema para sa dagliang pagtugon sa mga manggagawa na tumutugma sa pangangailangan ng mga pamilyang Italyana o maaring direkta mismo sa bansa na kanilang pinanggalingan.
Ito ang mga pangunahing layunin ng pamunuaan ng imigrasyon ng Ministero ng Paggawa at ng patakarang sosyal, sa pangunguna ni Natale Forlani ilang buwan na ang nakakaraan. Aniya “Ang mga instrumento ay handang handa na upang ipaabot ito sa lahat, kahit wala ng gagawing pagbabago pa sa batas. Ngayon kami ay sama-samang lahat upang ito ay maisakatuparan” pagsisiguro pa ng bagong direktor sa stranierinitalia.
Paano mapapaganda ang programasyon ng “flussi”?
“Samantala, kami ay mayroong maaasahang demograpikong data na tumutukoy para sa taong 2020: Mawawala ang 4 na milyong mga tao ng mga nagtatrabaho sa Italya, na kung saan ay hindi maaaring sapat para sa lahat ng mga Italyanong walang trabaho. Isang problema ng kakulangan ng kadaliang panlipunan sa pagpapakilos at pagpaplano. Ang susunod na hakbang ay ang pagbuo ng isang instrumento para sa pagtititik ng husay sa mga tunay na pangangailangan, kahit na ang pamamahala sa mga pinakamahusay na mga komunikasyon sa sapilitan, na bukod sa iba pang bagay, ipagbigay-alam din sa amin ang tungkol sa tiyak na mga manggagawang dayuhan na mawawalan ng trabaho.”
Nang dahil sa krisis pang-ekonomiya maraming dahuyan ang nawalan ng trabaho.
“Ito ay totoo, naniniwala ako na ang mga manggagawang ito ay kailangang makasama nang may prebilehiyo, bago pa muling makapasok ang iba pang mga dayuhang mangagawa mula sa labas ng bansa. Kung hindi magkakaganito, malalagay sa panganib ang ating lipunan, ito ay mapupuno ng mga manggagawang walang hanapbuhay. Isang malaking kapansanan na maaaring maglagay din sa panganib sa kanilang mga karapatan dahil na rin sa mga dayuhang regular na maghahanap-buhay sa Italya.
Ito ba ang dahilan kaya inihinto ang bagong influx decree?
“Sa ngayon mayroon ng nakatakdang mga “entry quotas” na pangkalahatan para sa mga susunod pang ”flussi”. Sa mga hinaharap na ”flussi” ito ay mas sasakop sa mga ”skilled workers”, upang maiwasan ang pagkawala ng trabaho ng maraming manggagawa sa mga darating na panahon. Samantala, kailangan naming higpitan ang kasunduan sa Bansang pinanggalingan ng mga dayuhan habang isinasaalang-alang na ang pagpapapasok sa Italya ay patuloy na nagbabago, babawasan namin ang pagpasok ng mga european at itataas naman namin ang bilang ng mga manggagaling sa Asya.
Samantala, may daan-daang libong mga ilegal na dayuhan na ang inaasahang mababawasan dahil na rin sa huling pagbaba ng sanatoria na inilapat ng gobyernong Italyano para sa mga nagtatrabaho sa bahay.
“Ang regularisasyon ay limitado lamang sa mga household workers at ito’y political choice. Ngayon, nararapat lamang na mahigpit na masubaybayan ang kalagayan ng mga nawalan ng trabaho upang mabilis na matapos ang huling regularisasyon upang malampasan ang kritikal na sitwasyon na mayroon sa iba pang probinsya.
Sa ngayon, ayon na rin sa kasalukuyang batas, ang sinuman na mawalan ng trabaho ay bibigyan lamang ng anim na buwan para makahanap ng panibagong trabaho, kung hindi, malamang na mawawala ang kanilang ”residence permit”.
Ito ay isang altuntuning masyadong mahigpit.
“Ang kautusan ay isang pagbibigay pahintulot sa nawalan ng trabaho na muling humanap ng bagong trabaho sa loob lamang ng anim na buwan. Ito ay upang pangalagaan ang lumalalang sitwasyon at kalagayan ng bawat nawalan ng trabaho. Kahit sila ay mawalan ng trabaho hindi naman sila maituturing na iregular at ito ay naayon sa ilalim ng patakaran ng ”labor market”. Hindi na pangkalahatang prinsipyo ang pinag-uusapan dito. Maari rin silang patuloy na manirahan kung kaya nilang sustentuhan ang kanilang mga sarili para sa patuloy na paninirahan dito sa Italya.
Sino ang maaaring lumutas sa isyu ng ”demand and supply of labor” para sa madaliang rehabilitasyon ng mga walang trabaho?
”Mga rehiyon, probinsya, unyon at iba’t ibang asosasyon ng kalakalan, mga iba’t-ibang sangay at ahensiya ng paggawa, pampubliko at pribadong mga tanggapan na lisensiyado para sa ganitong uri ng interbensyon. Ang operator ay kinakailangan ding maglagay ng mga anunsyo sa internet sa mabisang paraan. Ang mga migrante ay ginagamit ang salita at bibig para sa pagpapakalat o pagbibigay-alam naman ng impormasyon sa iba. Mga 30% ng mga dayuhang migrante ay tumatarget para sa mga serbiso sa negosyo.
Para naman sa mga gawaing bahay, mahirap para sa isang pamilya na makahanap ng isang household worker sa pamamagitan lamang ng isang ahensiya para sa trabaho.
“Ang tabahong bahay ay may sariling pagtitiyak, at nararapat sa isang mas malawak na diskusyon para makamtan ng maayos ang solusyon. Tunay naman na sa panahon ngayon ang pangunahing sanhi ng paglubog ng mga usaping nauukol dito ay dahil na rin sa komplikasyon ng mga relasyon ng pamilya at ang pagtaas ng gastos. Nagsisilbing isang ”network” ang mga serbisyo na kung saan ito ay maaaring mapadali sa pamamagitan ng isang pagpupulong ng mismong amo at manggagawa tungkol sa relasyon ng trabaho. Nararapat din na kumilos ang lahat para sa pagbabawas ng mga gastusin.
Tungkol naman sa plano ng paglahok ng pamahalaan sa pagtutok sa pagsasanay sa mga bansang pinanggalingan ng mga mangagawa, hindi ba kasama na ito sa Bossi-Fini? Ano kaya an dahilan at ito ay hindi naisakatuparan?
“Dahil sa ang mga resulta ng kinalabasang imbestimento ay hindi sapat. Gusto natin ng isang regular na pamamaraan, na nagpapahintulot sa mga mangagawang mula sa ibang bansa na pinapahintulutan naman ng batas Biagi. Higit sa lahat, ang dapat na baguhin ay ang uri ng pagsasanay mayroon ang pinanggalingang bansa ng mga manggagawa.
Paano?
“Sa ngayon ang mga pagtatalo ay ganito: Maghahanap ng mga manggagawa mula sa ibang bansa at bubuo ng listahan ng mga manggagawa at maghihintay sila ng tawag ng mga kumpanya. Kung ganito, ito ay hindi epektibo. Ang mga ahensiya ng paggawa ay kinakailangang alam ang mga kinakailangang uri ng trabaho mayroon sa Italya at saka sila maghahanap ng karapatdapat na tao para sa posisyon. Kinakailangan din na natuturuan ang mga manggagawa ng konting leksyon sa wika ng papasuking bansa. Sa ganitong paraan, sigurado ang mga mangagawang nagtapos ng pagsasanay na may garantisado silang trabaho na maasahan. Kung hindi ganitong paraan ang ipapatupad, tanging ang mga taga-pagturo lamang ang makikinabang at kikita.
At pagkatapos ng pasasanay ano ang susunod na gagawin ng manggagawa? Inaasaan din nila na sila ay makakarating sa Italya?
Ang Plano para sa Integrasyon ay naglalayong magpapasok ng mga mangagawa na nagsanay sa labas ng bansa, ang quota na ito ay hindi kasama sa normal na quota. Kung tutuusin, hindi mahirap ang pumasok sa bansang Italya kung gagamitin ang kasalukuyang atas at tutupad sa regulasyon.
Dahil na rin sa mabagal na pagtugon ng Sportelli Unici sa mga kahilingan ng mga pamilyang Italyano at mga negosyong nangangailangan ng manggagawa, gaano ba katagal dapat sila maghihintay?
”Ang matagal na panahon sa mga araw na ito ay isa ring problema dahil kinakailangan din dito ang admnistrative work. Ang mga tanggapan ng Sportelli Unici, gayunpaman ay hindi maaaring puno ng mga responsibilidad sa pag-aayos ng mga kahilingan. Dapat ay may isa lamang terminale na sinosuportahan ng isang network system na maaring naka-direkta sa mga ahensya o asosasyon na may kinalaman sa paggawa para sa isang madaliang proseso. Kung hindi, ang proseso ay inaasahang magkakaroon ng konting antala. (Rogel Cabigting/Liza B. Magsino)