63 million euros ang nakalaan bilang pondo para sa mga territorial projects mula integration hanggang socio-economic integration program buhat sa mga institusyon at mga asosasyon sa buong Italya.
Roma, Pebrero 1, 2016 – 63 million euros bilang pondo para sa mga territorial projects na nakalaan sa mga migrante at refugees buhat sa mga institusyon at mga asosasyon sa buong Italya. Mula integration program tulad ng italian language at civic education courses hanggang sa socio-economic integration program tulad ng voluntary repatriation at public operators formation para sa mga public services.
Ang pondo ay baht sa tinatawag na FAMI (Fondo, Asilo, Migrazione e Integrazione) na pinangangasiwaan Interior Ministry para sa European Union. Ito ay ipagkakaloob batay sa siyam (9) na public announcements kung saan nasasaad ang mga pangunahing sektor.
Ang anunsyo ay inilathala nitong Enero, ngunit ang mga project proposals ay maaaring isumite mula alas 12:00 ng tanghali sa Enero 29, 2016 online, sa pamamagitan ng website nito https://fami.dlci.interno.it. Ang deadline ay nakatakda sa March 3, 2016 ng alas 4 ng hapon. Samantala, nakatakda sa March 10, 2016 sa oras na alas 4 ng hapon ang deadline para sa ‘Piani regionali per la formazione civico linguistica’.
Upang maka-access ay kinakailangan ang pagkakaroon ng PEC o posta eletronica certificata. Aktibo rin ang help desk upang tumanggap ng katanungan at magbigay ng impormasyon at tulong.
Narito ang 9 na anunsyo sa ibaba:
OS2/ON2: “Piani regionali per la formazione civico linguistica” – € 24.000.000;
OS2/ON2: “Servizi sperimentali di formazione linguistica” – € 2.500.000;
OS3/ON2: “Operazioni di Rimpatrio Volontario Assistito e Reintegrazione” – € 12.800.000.