in

Foreign Workers ng mga multinational firms, ang paglilinaw sa bagong patakaran

Ipinaliwanag ng Ministries of Interior and Labor kung paano mababago ang pagpasok at pananatili sa Italya sa pamamagitan ng D. Lgsl. 253/2016. Narito ang Circular. 

 

Roma, Pebrero 15, 2017 – May mga bagong alituntunin para sa mga manager, skilled workers at trainees na pansamantalang magta-trabaho sa Italya para sa mga multinational firms. Ang pagpasok sa Italya ay ginawang mas madali, salamat sa isang mabilis na proseso at pinasimpleng pamamaraang hindi saklaw ng decreto flussi, at sa pagdating sa Italya, ay bibigyan ng isang special permit to stay. 

Sa pamamagitan ng legislative decree Dec 29, 2016, n. 253, na ipinatutupad simula noong Jan 11, ay nabigyang susog ang Immigration Act (narito ang mga detalye na aming inilathala noong nakaraang buwan). Isinabatas ng Italya ang European directive 2014/66/EU ukol sa “kundisyon ng pagpasok at paninirahan ng mga managers, skilled workers at trainees ng Third countries na nasa intra-corporate transfer

Isang Joint Circular ng Ministries of Labor at Interior ang inisyu kamakailan ang nagbibigay-linaw ukol dito. Ito ay para sa mga kumpanya at mga employees na dapat lapatan ng mga kundisyon hanggang sa mga kaso kung saan ang authorization sa pagpasok ay hindi maaaring ibigay at sa mga parusa sa sinumang hindi ito ipatutupad ng ayon sa nasasaad sa alituntunin. 

Kaugnay nito, ang Circular ay naglalarawan ng proseso na dapat sundin ng mga kumpanya sa pagpapapunta ng mga employees sa Italya. Ang aplikasyon, tulad sa ibang mga kaso, ay isusumite online at ito ay susuriin ng mga Sportelli Unici per l’Immigrazione, ngunit ito ay maaaring mapalitan ng isang simpleng komunikasyon sa mga kumpanya na lumagda ng MoU o Memorandum of Understanding sa Ministry of Interior. 

Ibibigay sa employee ang ICT (Intra-corporate transfer) permit to stay, na balido katulad ng panahon ng transfer: hanggang tatlong taon para sa mga managers at skilled workers, isang taon naman para sa mga trainees. Maaari ring papuntahin sa Italya ang mga miyembro ng pamilya ng empleyado sa pamamagitan ng family reunification program, anumang ang validity ng kanilang permit to stay. 

Pinahihintulutan ring magpunta sa Italya ang mga employees na mayroong ICT permit to stay mula sa ibang EU country. Para sa pananatili hanggang 90 days, sapat na ang isang simpleng ‘presence declaration’, habang ang mas matagal na panahong pananatili ay kailangang mag-aplay ng ibang uri ng dokumento, ang Mobile ICT permit at pinahihintulutan an ring mag-trabaho sa bansa habang naghihintay ng issuance ng nasabing dokumento. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

17,000 Seasonal workers, inaasahan sa nalalapit na flussi 2017

ONE BILLION RISING sa Bologna, isang Pagpupunyagi ng mga Kababaihan laban sa Karahasan