Negatibong opinyon mula sa Ministry para sa mga bagong quota ngayong taong ito. “Masyadong maraming walang hanapbuhay na migrante sa Italya at nanganganib ang kanilang mga permit to stay. Kung sino ang nangangailangan ng manggagawa, mag-hire sila ng mga ito”
Rome – “Masyadong maraming nawalan ng trabaho sa mga migrante. Hindi na kailangan na magpapasok pa mula sa ibang bansa ng mga manggagawa”. Natale Forlani, Director of Immigration ng Ministry of Labour, ay ganito ang naging pahayag: “Maaaring walang Direct hire ngayong taong ito”.
Isang mabigat na opinyon kung isasa-alang-alang na ang Immigration Department ang sumusubaybay ng takbo ng labor market at kumakalkula ng mga pangangailangan sa mga dayuhang manggagawa, na sya namang nagbibigay ng kontribusyong teknikal na itinuturing na pinakamahalaga upang magkaroon ng taunang quota. Noong nakaraang taon ay nagbigay ng quota na halos 100,000, sa taong ito naman ay pinaniniwalaang hindi bubuksan ang direct hiring.
“Ang aming opinyon ay negatibo, dahil sa Italya ay mayroon ng 280,000 na walang trabahong mga migrante, at ang kalahati nito ay tumatanggap ng benepisyo na tila kanilang sahod. Kailangan munang bigyan ang mga taong ito ng posibilidad na makahanap ng trabaho, dahil kung hindi ay nanganganib na maging hindi regular ang mga ito sa susunod na deadline ng kanilang mga permit to stay“, ayon kay Forlani sa Stranieriinitalia.it.
Ngunit sino ang makakatiyak na ang mga pabrika at mga pamilya ay nangangailangan ng mga manggagawa? “Batay sa aming napag-alaman, ang mga dayuhang walang pinapasukan sa kasalukuyan ay ipinamamahagi sa paraang pantay pantay sa iba’t ibang sektor. Kaya maaari nilang matugunan ang anumang mga pangangailangan. Naniniwala kami na ang para sa ngayon ay mga manggagawang may kwalipikasyon, seasonal worker o mga manggagawang lumahok sa mga programa sa pagsasanay sa sariling bansa lamang ang maaaring papasukin ng bansa. “
Huwag nang isama ang mga iligal na migrante, na para sa kanila ang direct hire ay isang paraan upang maging regular, paano ito tatanggapin ng mga bansang may kasunduan sa Italya. Ang mga reserved entries ng direct hire ang sa katunayang mga panlaban sa pagpasok ng iligal na migrasyon. “Mula sa mga bansang ito ay maaaring magpapasok ng mga highly qualified na mga manggagawa na dumaan sa mga formation sa kanilang sariling bansa. Bukod pa rito, kabilang sa mga walang trabahong mga migrante ay nagmula sa mga bansang may kasunduan sa atin, ” dagdag pa ng Director of Immigration.
Maaaring tapos na ang laban? Maaring hindi pa? “Ang amin – paglilinaw ni Forlani – ay isang teknikal na opinyon. Gayunpaman, ay mayroong isang bagong gobyerno at maaaring gumawa ng iba’t ibang mga pagsusuri ukol sa posibilidad ng pagkakaroon muli ng Direct hire”.