in

Form Q ng contratto di soggiorno, mawawala na!

Hindi na kailangang ipadala pa ito sa Sportello Unico per Immigrazione. Sapat na ang komunikasyon ng hiring, maging sa mga colf at care givers.

altRome – Ang contratto di soggiorno ay magpapahinga na. Sa sinumang magha-hire ng banyagang manggagawa ay hindi na kailangang ipadala ito sa pamamagitan ng rehistradong koreo sa Sportello Unico per Immigrazione, sapat na ang normal na komunikasyon ng hiring.
Upang maunawaan ang mga pagbabago na inihayag kahapon sa isang Circular mula sa Ministry of Labor, ay kailangang bumalik sa nakaraan.

Sa contratto di soggiorno (form Q), na pinipirmahan ng employer at ng dayuhang manggagawa hanggang sa kasalukuyan, ay ipinahihiwatig ang mga personal datas ng pareho at ang kondisyon ng kontrata. Bukod dito, ang employer ay naghahayag na ang manggagawa ay mayroong sapat na tirahan at nangangakong babayaran ang anumang gastusin ng sakaling pagpapabalik sa sariling bayan ng manggagawa sa pamahalaan.

Sa naunang komunikasyon ay ihahayg lamang sa ‘comunicazione obbligatoria di assunzione’ ang mga personal datas at mga kundisyon ng kontrata. Magmula noong nakaraang Abril 30, gayunpaman, ay ipinalabas ang bagong form  (“Unificato Lav”) na may dalawang karagdagang mga panels, para sa tirahan ng manggagawa at sa mga gastusin ng pagpapabalik sa sariling bayan.

Walang halaga ang parehong komunikasyon nang dalawang beses. Samakatuwid, matapos ang ilang buwan ng pagsubok sa mga bagong komunikasyon sa hiring, ang Ministero ay nagpasya na ang form Q ay hindi na kinakailangan.

“Lahat ng mga employer na tatanggap sa isang non-EU nationals na legal na naninirahan sa Italya – ayon pa sa Circular – ay hindi na kailangang i-fill up ang “form Q “, ngunit ang mga obligasyon sa ilalim ng Testo Unico ay magagampanan sa pagpapadala ng form ” Unificato Lav ” sa loob ng 24 na oras bago ang hiring. “

Pareho ang pamamaraan para sa mga colf. “Ang komunikasyon na ginagawa sa tanggapan ng INPS – paglilinaw pa ng Ministry of Labor – ay upang magampanan ang mga obligasyon sa pagpapadala ng form Q.

Nasiyahan ang mga job consultant, na noong nakaraang spring ay binigyang diin ang walang-saysay na parehong dalawang abiso ng employer. “Ito ay isang pagpapagaang kinakailangan,” sabi ni Silvia Bradaschia, ng Foundation ng National Council of Order.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipina, isa sa may pinakamaraming boto sa naging halalan ng mga migrante sa Padova

Ano ang Integration Agreement at ano ang nilalaman nito (Unang bahagi)