in

Form Unilav sa halip na form Q para sa renewal ng mga permit to stay

“Sa mga request ng renewal ng permit to stay ay hindi na dapat ilakip ang form Q sa halip ay
kontrolin ang form UNILAV.

altRome – 17 Ene 2012 – Magmula sa kalahatian noong nakaraang Nobyembre, ang kilalang contratto di soggiorno ay tinanggal na.

Ang sinumang nagha- hire sa isang dayuhang manggagawa, kahit na domestic, ay hindi na dapat ipadala ang form Q sa Sporetllo Unico per l’immigrazione.

Ang lahat ng impormasyon na nasa na form ay matatagpuan rin sa katunayan sa form Unilav, na ginagamit sa obligadong komunikasyon ng hiring (comunicazione di assunzione obbligatoria).

Isang maliit na pagpapagaan, na mayroong positibong epekto sa renewal ng permitto stay. Ilang araw ang  nakakalipas, nag-utos ang Interior Ministry sa Immigration Police Headquarters (Questura) sa katunayan, upang iangkop ang bagong prosedura, at huwag ng hanapin sa mga dokumentong nakalakip sa application na isinusumite ng mga dayuhang manggagawa.

Ayon sa mga tagubilin na pinirnahan ni Rodolfo Ronconi, Director of Immigration, ang mga Questura ay hindi na dapat obligahin na lakip ang form Q sa mga dokumentong isinusumite para sa application, ata ng return card sa pagpapadalana nito sa pamamagitan ng registered mail sa Sportello Unico. Sa halip ay suriin ang pagkakaroon ng kopya ng bagong form UNILAV “.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

300 hanggang 600 euro kada taon, epekto ng tatlong fiscal maneuvers sa pamilyang imigrante

Saverio Ruperto Under Secretary on Immigration ng Ministry of Interior